Chapter 30

230 3 0
                                    

Chapter 30


Nagising ako sa malakas na sigawan sa baba. Napatayo ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang boses ni Ina. Tumakbo ako sa banyo at nagmumog saglit at sinuklay na lang ang buhok kong medyo magulo gamit ang daliri ko. Agad akong lumabas ng kwarto. Bumaba naman ako agad ng hagdan at doon ko nakita si Ina nakikipagtaasan ng boses kay Chase.


"Chase, I told you to stop chasing after Irina! Hindi ka aso!" Sigaw ni Ina.


Nangunot ang noo ko. Ako pinag-uusapan ng dalawang ito?


"What's wrong?" Tanong ko saka lang nila ako nakita.


Lumiwanag ang mukha ni Chase nang nakita ako. Mabilis na lumapit sa akin si Chase at binalot ako sa yakap and me? I'm shocked. Parang kagabi lang nakikipagtalo siya sakin sa kagustuhan niya and now he hugs me as if he didn't saw me last night. I guess his sober.


"Irina." Banggit ni Chase sa pangalan ko habang mahigpit akong niyayakap.


"Chase! Enough already! Tumigil ka na! Wala ka nang pag-asa! Irina is bound to get married soon!" Sigaw pa ulit ng kapatid ko.


Lumayo si Chase sa akin at tumingin kay Ina. "Sa tingin mo papayag ako ng ganon ganon lang, Ina? No! Fuck, no!" Sigaw ni Chase.


Naglakad ng isang hakbang si Chase papalayo sa akin habang tinitignan si Ina.


"Stop meddling with Irina's problems. Ayusin mo ang sa inyo ni Zane at ako, aayusin ko ang sa amin ni Irina." Mahinahong sabi ni Chase na nagpanga-nga sa akin.


"I want what's best for my sister, Chase!" Mariing sambit ni Ina.


"Best? Ina, sa tingin mo matatawag na best ang sang-ayunan ang gusto ni Irina na umalis sa panahong hindi kami nagkaintindihan? Sabihin mo nga sakin ang totoo, Ina. Kaibigan ba talaga kita?" Tanong ni Chase.


"Chase," Tawag ko rito para tumigil na.


Hinawakan ko pa sa braso si Chase pero hindi siya tumigil. Hindi niya ko nilingon. May luhang pumatak mula sa mata ni Ina sa naging tanong ni Chase. Pinanood ko kung paano magrereact si Ina. Hindi ako makapagsalita. Ako ba ang naninira sa pagiging magkaibigan nila ni Chase?


"Mas gugustuhin kong protektahan ang kapatid ko." Mariing sagot ni Ina.


"Protect her from what? From me? Kasi nasaktan ko yung kapatid mo? Sinadya ko ba, Ina? Sana kung sinadya ko ay noon pa lang habang kami pa ay hinalikan na kita sa harap niya. Yun ang sinadya! Pero wala akong kasalanan! You didn't gave us a chance na mag-usap! You shut everybody out just for Irina na walang alam kung ano na nangyayari dito sa Pilipinas!" Sigaw ni Chase.


"Yun ang problema sa'yo Ina! Hindi ka marunong magbigay ng chance! Ni pati si Zane dinedehado mo! Napaka-arte mo, Ina!" Sigaw pa ulit nito.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now