Chapter 39

259 3 0
                                    

Chapter 39


I'm currently putting in some clothes to my baggage. Lilipat na kami sa hotel pagkatapos kong magdala ng damit saglit. Doon na kasi kami aayusan para pagtapos ay didiretso na sa simbahan. I still can't believe this is happening!


"Kambal, ayos ka na ba? Mauuna tayo doon!" Sigaw ni Ina mula sa labas.


Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Ina. "Si Kurt na raw ang bahala dito sa bahay." Sabi pa niya.


Tiniklop ko ang pang-huling damit na ilalagay ko saka ko inilagay sa maleta. I zipped it up saka ko tinignan si Ina. Nginitian ko siya and she smiled back at me. Napaupo ako dahil pakiramdam ko nanlalambot ako.


"Kinakabahan ka?" Tanong niya.


"Hindi ko alam." Sagot ko.


Naisip ko kasi bigla si Chase. He told me yesterday na huli na raw yun. So kung hindi kami nagkita kahapon, hindi ko na talaga siya makikita hanggang sa bumalik siya? Pero, babalik pa kaya si Chase? Am I going to regret this decision right now?


Umupo sa tabi ko si Ina at hinawakan ako sa balikat. Hinawakan ko naman ang kamay niyang nakahawak sa akin. Oo, aamin ko na kinakabahan ako. Sa isip ko kasi, hindi biro ang kasal. Ayokong magsisi sa huli at mas lalong ayaw kong naguguluhan ako. Maayos naman ako nung una but everything changed ever since the ice melted.


"Iniisip mo si Chase, no? I told you. Sana hindi mo na lang itinuloy to." Sabi ni Ina.


"Ayos lang. Kakayanin ko ito." Sabi ko.


"We'll always be right here but sadly, hindi sila makakapunta bukas. Bukod sa hindi nila tanggap si Kurt at wala silang magagawa, nasa ospital pa si Zach. They're still supporting him." Sabi niya pa.


Tumango ako. Mahigit tatlong linggo nang natutulog si Zach sa ospital. I literally want to hug Anica pero alam kong kaya niya yun. She never gave up unlike me. Iiwan na ko ng totoong mahal ko pero wala pa rin akong ginagawa. Wala talaga akong magawa.


Tumayo na kami ni Ina at tinulungan niya ko sa pagdala ng gamit sa Civic. Ang wedding gown ko ay nasa may likod na ng kotse kasama ng sapatos na susuotin. Sa Marriott Hotel kami mags-stay at doon na rin gaganapin ang reception.


Ako ang pinagmameho ni Ina. Medyo traffic dahil Friday ngayon. Tumingin ako sa relo ko. Malapit na rin gumabi at hindi pa kami nakain ni Ina. Sinadya kasi namin na umalis kapag gabi na.


After how many minutes ay nakarating agad kami ni Ina. Nagpatulong kami sa mga bellboy para makuha ang gamit naming dalawa kasama ng wedding dress at ang iba pang gamit na kakailanganin ko para bukas. Sa third floor lang kami kumuha ng room at sa itaas naman ang kinuhang room ni Kurt.


Nag-ayos kami ng gamit ni Ina. May mannequin kami na dala. Yung mannequin na una kong nakitang nakasuot ng wedding gown ko. Pinadala sa amin saglit nung babaeng may-ari ng shop. Itinayo ni Ina yun saka namin parehas na isinuot sa kanya iyon. Nag-order ng room service si Ina at nagsimula na siyang kumain bago ini-steam ang gown ko.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now