Chapter 29

187 3 0
                                    

Chapter 29


"Irina, I need your answers now." Ani Chase sa akin.


Napasapo ako sa noo ko. Hindi ko alam kung ano pa ang kailangan kong sabihin kay Chase para maintindihan niya na tapos na ang kung anong meron kami. Ayaw kong may sabihing iba. Ayokong manumbat dahil pagiging bitter lang ang kalalabasan noon. Ayokong saktan si Chase.


Ibinaba ko ang kamay ko at magsasalita na sana nang hawakan ni Chase ang kanang kamay ko. Kinabog ang dibdib ko sa kaba nang titigan niya ang singsing sa daliri ko. Hinaplos niya iyon na may kunot sa noo niya. Para akong binasag nang makita kong may luhang umalpas mula sa mata ni Chase.


"Fuck." Mura niya at binitawan ang kamay ko. "You've got to be fucking kidding me."


Napalayo ng kaunti si Chase sa akin at napahawak pa sa kitchen counter. Tinignan ko lang siya at hindi ko alam ang gagawin ko.


"Tangina, anong nangyari?" Aniya sa namamaos na boses at natawa pa siya.


I have this urge to touch Chase. I want to hug Chase so bad at gustong gusto ko siyang tulungan. I want to help him compose himself.


"I-Irina, you should be wearing my ring. Not his. That should b-be me who knelt in f-front of you, asking for your hand. Pero pucha, nawala lang ako saglit, hindi mo na ako hinintay. B-ba't ganito?" Sabi pa ni Chase.


"Ako ba ang sinisisi mo, Chase?" Tanong ko. Malumanay pero may kunot sa noo ko.


Umiling si Chase at lumapit sa akin. Inabot ng kamay ni Chase ang pisngi ko at hinaplos. Hindi ko kayang makitang lumuluha si Chase sa harap ko. I didn't expect any of this. Ang sa isip ko, maayos na kami dahil ilang taon na ang lumipas simula nang mangyari lahat ng iyon.


Umiwas ako ng tingin pero pinatingin ako ni Chase sa kanya. Why is he doing this?


"I... I fucking love you but you got away. Now, I'm back to zero. Uulit ako sa umpisa. Babawiin ulit kita." Mahinang bulong ni Chase na nagpa-awang sa bibig ko.


Tinikom ko agad ang bibig ko at umiling kay Chase. Tumingin siya sa mata ko na parang nagtatanong kung ba't ako nailing.


"Hindi mo na kailangan gawin yun, Chase. I'm engaged. Mag-move on ka na lang." Suhestiyon ko kay Chase pero nangunot ang noo niya.


"You don't tell me what to do, Irina. I waited for you just like you said but I ended up waiting for nothing. Nakuha ka pa ng iba. Babawiin kita. Engaged pa lang kayo, hindi pa kasal. I'm not moving on with my life without you with me. Hindi ako papayag." Aniya.


"Chase," Tawag ko sa kanya pero nanatiling matigas ang ekspresyon ni Chase. Matapos niyang umiyak ay naging malamig bigla si Chase.


"That's my decision, Irina. Kung ikaw nagawa mong magdesisyon na pabayaan ako bigla, pwes ako rin. Magdedesisyon rin ako ng hindi ko pakikielaman ang nararamdaman mo. Hindi ako hihingi ng permiso sa'yo." Pahabol ni Chase at humawak na siya sa baba ko para patinginin sa kanya ng diretso.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now