Chapter 13

222 4 0
                                    

Chapter 13

Pangalawang araw na namin dito ng pamilya ko at wala ni isang oras na hindi ako tinatawagan ni Chase. Si Kurt naman ay naging abala sa pagsagot ng tawag pero nagagawa pa rin namin lumabas. I took the deal he offered. Ibigay ko na raw muna ang isang linggo na ito hanggang sa maka-alis si Kurt at pagkatapos noon ay pwede akong bumalik kay Chase. 

Kasalukuyan kami'y nasa ice rink kung saan nagt-training si Ina. Kanina pa rin siya nakakunot ang noo. Pagdating pa lang namin dito ni Kurt nakakunot na ang noo niya eh. Wala sila eomma dahil dumiretso na sa doktor para magpatingin. Eomma was still doing great pero kailangan niya imaintain lahat ng iyon.

"Irina," tawag sakin ni Kurt kaya napatingin ako sa kanya.

Pinatay niya muna ang tawag na sinagot niya kanina bago bumaling sakin. "Are you gonna answer your phone?" tanong nito.

Tumingin ako sa cellphone ko na nasa hita ko. Nakita ko ang pangalan ni Chase sa cellphone ko at nagpatuloy ito sa pagvibrate. Hinawakan ko ito at akmang idedecline nang magsalita si Kurt. 

"Answer the call, Irina. Nasa akin nga ang oras mo pero napuputol sa tuwing tatawag siya. Just talk to him for a moment." aniya at nginitian ako.

"P-pero..." ani ko pero agad tumayo si Kurt, suot-suot ang blades.

"I understand. Sunod ka na lang sa rink." aniya at humalik sa noo ko.

Pinanood ko si Kurt pumasok sa rink at magsimulang magskate. Namatay ang tawag pero agad namang tumunog ulit ito nang tanggalin ko sa vibrate. Bumuntong hininga muna ako bago ko pinindot at itinapat sa tenga ko.

"Thank God, Irina! You answered!"  sagot ni Chase.

"Hi." simpleng sagot ko.

May narinig akong nagkakagulo sa background ni Chase. Nawala ang atensyon ko doon nang magsalita ulit siya. "Hi... Fvck! I really need to talk to you in person. Please, come home." pagmamakaawa niya which sounded like nilayasan ko siya.

"H-hindi pa kasi pupwede." sagot ko rito.

"You need to tell your reason, Irina. Is it Kurt? Is he... Is he forcing you to stay with him. Tell me where you are and I'll come and get you." sabi pa ni Chase.

"Irina!" tawag sakin ni Ina nang makapag-break time siya. She looked at me in panic kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo. Bago tumapak sa rink ay naalala ko na kausap ko si Chase.

"It's not that, Chase. Ba't ka ba ganyan? Anong problema mo kay Kurt?" tanong ko rito at doon siya tumahimik.

 Narinig ko siyang bumuntong hininga ulit bago siya nagsalita. "Come home first, then we'll talk." sagot nito sakin.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now