Chapter 8

336 6 0
                                    

Chapter 8

Thursday pa lang at shempre, ayoko pa rin pumasok ng school. Hindi naman sa tinatamad ako pero sigurado akong umabot na sa buong klase ng Juniors at Seniors ang isyung ipinalaganap ni Eris. Letseng kambal yun. Pahirap sa buhay.

 "Good Morning appa, eomma!" ani ko pagbaba ko ng hagdan.

Nakita ko si Zion na kumakain ng paborito niyang cereal. Pumunta ako sa likod niya saka siya hinalikan sa pisngi. "Good morning baby! Noona loves you!" ani ko at hinalikan ulit siya sa pisngi.

"Noona, stop!" reklamo nito at tinulak ang mukha ko palayo.

Natawa sila eomma sa inasta ni Zion sakin. Lumapit ako sa kanilang dalawa at hinalikan din sila sa pisngi saka ako tumabi sa upuan ni Zion. Habang kumukuha ako ng makakain ko ay tinititigan ako nila eomma.

"What?" tanong ko bago sumubo ng pagkain.

"Ba't hindi ka ata pumapasok, Irina? Diba may violin classes ka?" ani eomma sakin.

"You're not being bullied, are you?" ani naman ni appa sakin.

Napatingin ako kay Zion na binaba ang baso sa maling paraan at nagsalita. "I think noona is being a bully and maybe she's done something wrong." ani Zion at kumain na muli.

Tumayo si appa at ginulo ang buhok namin magkapatid. "You know too much young man." ani appa saka naman siya humalik sa noo ko. 

"Whatever your reason is, I hope you're alright." aniya naman sakin saka siya pumunta sa kusina.

"I'm fine appa!" ani ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Yung Chase ba problema mo, nak? I heard Kurt and Niccolo are here, too. So why don't you spend some time with your childhood friends and forget about that Chase guy?" ani eomma at humalik sa pisngi namin ni Zion.

"Whoever that Chase is, I don't like him." ani appa.

"Nikko!" ani naman ni eomma kay appa saka sila nag-usap ng mahina sa kusina.

Sinamahan kong kumain si Zion saka naman kami nag-usap magkapatid. Tinanong ko kung nasaan ang isa pa niyang noona which is si Inari at sinabi niyang naunang pumasok si Ina. Nagkwento naman si Zion tungkol sa isang babaeng kaklase niya.

Tinukso ko ng tinukso si Zion hanggang sa patigilin na ko ni eomma.

"Irina, wag mong asarin ng asarin si Zion. Sapakin ka niyan bahala ka." ani eomma sakin at hinalikan sa noo si Zion.

Sumunod na lumabas si appa ng kusina saka pinulot ang coat niyang nakasabit sa sandalan ng upuan niya. "I guess you should hang out with Kurt and Niccolo, Irina." ani appa sakin saka sila humalik sakin at sinimulang maglakad papunta sa pinto.

Nothing But StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon