Chapter 25

200 2 0
                                    

Chapter 25


Mabilis na tinapos nila appa ang papers ng buong pamilya. We got our visas at maayos na maayos na talaga ang mga papeles namin. Wala nang problema ang paglipat namin sa UK. Binaba ko ang clubmaster shades ko para matignan nang maayos si Ina.


"Anong ginagawa mo?" Tanong ko rito.


"Nagpapaalam ako kila Nathalie." Aniya kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"Hindi ko sinabi kung saan tayo pupunta. Basta ang sinabi ko, matagal tayong mawawala. Sobrang tagal." Dagdag niya.


"Ahh, okay." Ani ko at tumango saka ko inayos ang clubmaster ko.

Lumapit sakin si Ina hila-hila ang bagahe niya nang nakangiti sa akin. "Alam mo kambal, wala pang isang linggo. Mukhang okay ka na." Aniya sakin.


"Huwag mong simulan, Ina. Akala mo lang pero hindi pa talaga ako maayos." Seryosong sagot ko.


"Uy wow! 'Wag kang plastic sa sarili mo kambal! Baka kotongan kita diyan." Aniya at kinindatan ako.


Inirapan ko si Ina at nabatukan niya ko dahil kahit may shades ako, alam niyang iirapan ko siya. Nang tawagin na ang flight namin ay lumapit na kami sa gate namin. Hindi na namin kasama sila eomma dahil nasa Singapore na kami ni Ina going to London, UK. Binigay namin ang ticket namin ni Ina at tinatakan naman ito. Agad kaming nakasakay ni Ina sa eroplano at hinintay na maka-alis.


Tumingin ako sa bintana at aaminin ko na sa dibdib ko, may sumasakit. Natural lang dahil hindi pa naman nakakatagal nang umalis si Chase na walang sinasabi sa akin. Sa iba ko pa nalaman ang pag-alis niya. Oo, tanggap ko na para sa kumpanya nila iyon pero yung fact na kasama niya si Circe at wala siyang sinabi sa akin ang ikinagagalit ko. That hurts. I feel stupid pero mahal ko pa rin si Chase. I love him pero paninindigan ko ang sinabi ko. Pababayaan ko si Chase. He's on his own now.


"Itinext mo na ba o tinawagan mo man lang ba si Kurt?" Tanong niya sakin.


"Hindi ko macontact kanina. Busy ata." Sagot ko.


Tumango siya. I fastened my seatbelt at ganoon rin si Ina at nagsimula nang lumipad ang eroplano. Nang sinabing pwede nang gumamit ng phone ay inilabas ko ang headset at cellphone ko na naka-airplane mode. Sinalpak ko sa tenga ko ang parehong earbuds at pumikit saka ko sinubukang matulog.


Nagising ako nang kalugin ako ni Ina. Tinanggal ko sa tenga ko ang headset at tinignan ang cellphone kong 30% na lang ang battery. Tinanggal ko ang clubmaster ko at ipinatong sa hita ko. Tumingin ako kay Ina na may kinakain ngayon.


"Ang haba ng tulog mo kambal. Hindi ka naman umiiyak habang natutulog hindi ba?" Tanong niya sakin.


"Hindi naman. Ilang oras na lang ba?" Tanong ko rito.

Inubos niya muna ang nginunguya niyang pagkain at lumunok bago sumagot.

Nothing But StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon