Chapter 10

291 4 0
                                    

Chapter 10

Mabilis akong pumunta sa malapit na playground at nakita ko na lang si Chase na hawak ang cellphone sa kabilang kamay habang ang isang kamay ay nakatuon sa swing ng playground. Dahan-dahan siyang kumaway sakin at may pagka-madilim pa ang playground kaya di ko makita kung ngumiti siya o hindi.

Ngumiti ako at tumakbo papunta sa pwesto ni Chase. Binaba niya ang tawag nang papalapit na ko saka ako inihinto sa pamamagitan ng paghawak niya sa bewang ko. Saka ko lang nakita ang ngiti ni Chase nang malapitan ko siya. Agad naman akong siniil ng halik ni Chase sa labi dahilan para mapapikit rin ako agad.

"God!" sigaw niya at lumayo sakin. Nakapatong sa dibdib niya ang isang kamay ko habang ang isa ay nasa batok niya. Ang kamay naman ni Chase ay nasa bewang at likod ko.

"I really can't let you go, Irina." aniya saka pumikit at idinikit ang noo niya sa noo ko.

"I'm not asking you to let me go." sagot ko kay Chase.

"Irina, I don't want to be so clingy and possessive but I just really want you mine." ani Chase at hinalikan ako sa labi bago ako yakapin muli.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa pagiging ganito ni Chase sakin. He just really can't live without seeing me at ako naman si tanga ay hinahanap hanap ang hawak at halik niya sakin. He's really bad for me. Chase is really bad for me, like a drug.

"It's too late already. You should go home, Irina. I'll take you there." aniya at inakbayan na ko.

Naglakad kami ni Chase papunta sa bahay. Hindi masyadong kalayuan ang bahay namin eh. Mga dalawang liko lang nandun na agad. Akbay akbay ako ni Chase at di niya tinitigilan ang pagkuskos ng kamay niya sa braso ko.

"Imposible bang mapagtagalog kita?" tanong ko habang nasiksik kay Chase.

"It's not impossible but I really hate speaking Tagalog, Irina. I'm raised to speak in English so I'm not really familiar speaking it." aniya at kinuskos ulit ang kamay sa braso ko.

"Pero nakakaintindi ka?" tanong ko pa ulit.

"Of course. Eris is the one really raised to speak Tagalog but she really likes copying me." sagot ni Chase at nagkibit balikat.

"Kambal kayo ni Eris, ba't ang layo ng ugali niyo sa isa't isa?" tanong ko pa ulit.

Huminto kami sa paglalakad ni Chase. Patay na ang ilaw sa taas at sa kusina na lang talaga ang bukas na ilaw. Baka natulog na sila appa.

"Irina, Eris is a devil disguised as an angel. The reason behind her fvcked up attitude is still unknown." sagot niya at humalik na sa noo ko. Niyakap ako ni Chase pero bumitaw rin naman agad sakin. 

"You need to get inside. It's getting cold." aniya at hinaplos na ang parehong braso ko gamit ang kamay niya.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now