Chapter 3

481 8 0
                                    

 Chapter 3

"You played well today, Irina. What happened today?" tanong niya sakin.

"Nothing much, really." ani ko at ngumiti sa nagtuturo sakin.

"Well whatever it is I hope it happens almost everyday so I could teach you easily." aniya at nag-ayos na saka umalis ng auditorium.

Ngumiti ako at nagsalita. "I hope so too." ani ko at inayos na ang violin ko sa case niya.

Halos buong dalawang oras ay puro papuri ang natanggap ko sa kanya. Nakalimutan niya na rin yung pagiging late ko. Well I absolutely thought of Chase as an inspiration kaya nagawa kong tugtugin ang piece na sinabi niya.

Lumabas ako ng auditorium at dinukot ang cellphone ko sa bulsa ng coat saka tinext si Nathalie.

Nathalie

Asan na kayo? Tapos na ko, si Ina after 2 hours pa.

Tinago ko na ulit ang cellphone saka ako dumiretso sa locker ko. Pinatong ko sa taas ng locker ang violin case saka kumuha ng ilang gamit sa loob ng locker. Sinara ko ito at nagulat ako nang bumungad sakin si Chase.

Tinitigan ko siya habang naka-awang ang bibig ko sa gulat. Bumaling siya sakin na may ngiti at kinindatan ako. Sinara ko ang bibig ko at tumikhim at ibinaling ang tingin ko sa iba. Please do tell me why are you acting up like this, Chase. Huwag kang ganyan dahil ayokong masanay na ganito ka sakin.

 "Anong ginagawa mo?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa kabilang ibayo. Hindi ko kasi mapigilang pamulahan ng pisngi. Chase to oh! Yung lalaking mahal ko! Sa tingin niyo mapipigilan ko yun?

"Nothing in particular. Why? Are you gonna ask me out?" tanong niya at nginisian ako.

Napamura ako sa utak ko pero tinaasan ko ng kilay si Chase. Mahal kita pero babae ako. Gawain mo dapat yun at hindi ko gawain yun kaya wag kang monggoloid Chase.

"Nagtanong lang ako kung anong ginagawa mo, ang dami mo ng sinagot." ani ko sa kanya.

Ngumuso si Chase at nangunot ang noo. Oh God! I would risk everything just to kiss those lips. Please lang Lord paibigin niyo na sakin si Chase at ipinapangako ko po sa inyo na hindi ko siya sasaktan at kapag sinaktan man niya ako, kunin niyo na Lord. Yun lang po!

"Now I'm lost for words." aniya at humalukipkip sa katabi ng locker ko.

"Aren't you supposed to be breaking girl's hearts by now?" tanong ko saka sinuot ang bag ko.

Kinuha ko yung violin case ko at tinalikuran si Chase dahil hindi na siya sumagot. Napa-irap ako at umiling. Good mood ako kanina so dapat hanggang sa pag-uwi good mood ako.

"Irina!" tawag ni Chase pero hindi ko siya pinansin dahil sa gulat ko.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now