Chapter 35

217 3 0
                                    

Chapter 35


"Kambal," tawag ko kay Ina na nasa may CR ng kwarto ko.


Lumabas si Ina at tinaasan ako ng kilay. Umikot ako para ipakita sa kanya ang damit ko kung ayos lang ba. Pinasadahan niya naman ako mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha ko.


Black midriff top at skinny jeans ang suot ko saka ang pumps ko. Nag-make up ako ng light lang. Nagtataka naman ako kay Ina kung bakit ngayon pa nag-aya na magclubbing. Hindi niya sinabihan ang mga lalaki. Aniya'y bachelorette party daw pero joke lang. Ang gulo niyang tao.


"Okay ka na." Sabi nito.


Tumango ako at kinuha ang shoulder bag ko saka ako bumaba. Sadly, hindi namin kasama si Anica. Hindi na siya sinama nila Nathalie dahil napagdesisyunan nung dalawa na harapin na ang mga Perez. Saktong bumusina ang kotse ni Nathalie sa labas ng bahay.


"Ina! Tara na!" Sigaw ko rito.


Tumakbo pababa ng hagdan si Ina. Binuksan ko ang pinto saka ako lumabas. Pinatay ni Ina lahat ng kuryente at ilaw sa loob ng bahay bago siya sumunod sa akin sa paglabas. Sinara ko yung pinto at kinawayan si Nathalie sa may back seat. Kasama niya ang driver niya. Ang gara lang, ayaw magmaneho.


"Si Kendra? Nasaan?" Tanong ko pagka-sakay ko sa front seat.


"Nandoon na kasama yung mga pinsan niyo." Sagot ni Nathalie.


Nanlalaking mata ako napatingin kay Nathalie sa likod. "Nandoon si ate Cy at Bianca?" Tanong ko.


Sabay silang tumango ni Ina at nginitian ako.


It's been years simula nang makita at makausap ko sila. Palipat lipat rin kasi sila ng bansa gawa ni tita Irene. Mas gusto kasi ni tita Irene na sa ibang bansa mag-aral sila Bianca. Ang huling pagkakakita ko kay Bianca ay noong inii-stalk ko pa si Chase. Noong mangiyak-ngiyak pa ko kapag may pinaiiyak na babae si Chase.


Naging mabilis lang ang byahe. Anong oras na rin kasi kaya wala na masyadong traffic at wala na rin ganoong kotse ang papaalis.


Binaba kami ng driver ni Nathalie sa may tapat ng Valkyrie kung saan kami madalas noong hindi pa nabalik si Anica. Sinundan lang namin si Nathalie na umakyat papunta sa second floor at dumiretso sa pangalawang skybox. Bumungad sa amin sila Kendra at nandoon nga ang mga pinsan ko.


Tumili si Bianca ng makita ako. She gave a bear hug at wala na kong nagawa kundi ang yakapin rin siya pabalik. I'm guilty. All along kaya pala ganoon si Chase sa mga babae ay dahil sa akin at ako'y parang tanga na iniiyakan ang pangyayaring yun. Hindi ko alam kung sasabihin ko pa kay Bianca ang dahilan na yun o mananatiling tahimik.


Bumitaw sakin si Bianca. She looks like tita Irene talaga. No doubt she really is tita's daughter.


"Kamusta ka na? Nagulat ako pag-uwi namin dito kahapon nag-aya si Ina magclubbing. I thought para sa amin ni ate pero para sa'yo raw." Sabi niya at tumawa. "What's up?"

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now