Prologue

1.4K 19 1
                                    

Prologue

"To come away with me in the night. Come away with me..." 

"Thank you for that wonderful song from one of our bride's friend. Ms. Irina Buenaventura, may I know where you are and please come here." sabi nung MC ni ate Cyrille.

Pumunta ako sa lugar kung saan nandoon ang mga tumutugtog at yung dapat na pwesto ko kanina pa kaso ako pa lang yung singer na nandito. Kalagitnaan na ng program wala pa rin akong kasama na male singer and I think panay duet ang gusto nila ate Cyrille.

Kinuha ko sa sheet music stand yung kakantahin ko dapat at tama nga ako ng hinala. Panay duet nga ang kinuha ni ate Cyrille. Humarap ako sa tutugtog at sinabi ang gusto kong kantahin. Bahala na yung male singer ni ate Cyrille,. Bopols siya.

"It's not the flowers, wrapped in fancy paper. It's not the ring, I wear around my finger. There's nothing in all the world I need when I have you here beside me, here beside me." simula ko sa kanta.

Pumalakpak sila nang umpisahan ko ang kanta kaya ngumiti ako at pinagpatuloy ang pagkanta. May ibang sumayaw at si ate Cyrille naman kasama ang asawa niya ay sumali na rin sa mga nagsasayaw.

"So you could give me wings to fly and catch me if I fall or pull the stars down from the sky so I could wish on them all but I couldn't ask for more cause your love is the greatest gift of all." 

Nagulat ako nang may kumanta nang second chorus. Nilingon ko kung saan galing yung boses at nasa likod ko lang pala siya. Pamilyar siya at kamukha niya si Eris, yung friend kong tahimik na parang lagi niyang pasan ang mundo.

Tinignan ako nung kapartner kong singer na parang sinasabi niyang ipagpatuloy ko ang pagkanta. Kinurap-kurap ko ang mata ko at nagpatuloy sa pagkanta.

"You could offer me the sun, the moon and I would still believe you gave me everything when you gave your heart to me~!"

Matapos kong kantahin ang part na iyon ay nagthumbs-up sakin yung kinuhang male singer ni ate Cyrille.

Kumanta pa kami ng ilang kanta hanggang sa magsimula na ulit ang program at ang mga palaro. Umupo ako sa assigned seat ko which is sa VIP table kasama nila Eomma at Appa habang ang kambal ko naman na si Ina ay nag-iikot ikot para magpasulat sa guestbook.

Kumuha ako saglit ng tiramisu sa dessert table at bumalik sa pwesto ng mga musicians na kumakain na rin. Nilapitan ko yung male singer na pamilyar talaga sakin at medyo kamukha ni Eris.

Pakapalan na ng mukha to!!

"Hi!" bati ko sa kanya.

"Hi." simpleng sabi niya.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now