Chapter 19

162 2 0
                                    

Chapter 19

"Inari, Irina, ako nag-aalala ako sa inyo ah. Tumawag kayo agad paglapag ng eroplano. Naiintindihan? Kayong tatlong magkakapatid ang nasa bahay kasama yung natitira nating maid. Baka mamaya naman pahirapan niyo." ani appa sa amin ni Ina.

"Appa! Hindi ako ganon kasama!" ani Ina at tinuro ako na ikinagulat ko. "Si Irina lang naman ang bully mong anak!" dagdag ni Ina.

Sinampal ko ang kamay ng kambal kong natatawang tinuturo ako. "Ang kapal ng mukha kambal, ha?" sagot ko na ikinatawa ng lahat.

Nagtawanan pa kaming lahat saglit at kwentuhan. Binigyan kami ulit ni appa at eomma ng ilang reminders pa hanggang sa tawagin na ang flight namin. Bumitaw na si Zion kay eomma at lumapit kay Inari. Niyakap ko si appa at si eomma at nagpaalam sa kanila.

"Chase, ikaw na bahala sa mga anak ko ah!" ani appa na nginitian ni Chase.

"Yes, sir." sagot ni Chase.

Tumango si appa at kinawayan kami. Nagsimula na kaming maglakad papasok ng airport. Hawak ni Chase ang isa sa mga bagahe ko dahil hawak ko ang kay Zion. Si Ina ang may hawak kay Zion pero hawak niya ang cellphone niya. Nakahawak si Zion sa damit ni Ina kaya tinawag ko si Zion.

"Zion Andrei, hawak ka ng mahigpit kay Ina noona ha?" ani ko.

"Okay, noona." sagot niya sakin at hinigpitan nga ang hawak sa damit ni Ina.

"Sino bang tinatawagan mo Ina?" ani ko.

Iniabot ko ang ticket naming apat sa may nakabantay sa gate. Binigay namin ang mga maleta saka kami dumiretso sa eroplano. Window seat kaming dalawa ni Zion. Katabi ko si Chase habang si Ina ay katabi si Zion.

"Ina! Nasa may eroplano na tayo patayin mo muna yan!" ani ko kay Ina.

"Ugh! Hindi ko macontact si Nathalie!" aniya at sinunod na ang sinabi ko.

Nag-usap sila ni Zion pagkatapos habang ako naman ay binaling ang tingin kay Chase. Nakatingala siya ng kaunti habang nakapikit. May headset na nakasalpak sa tenga niya. Ang kamay ni Chase ay namamahinga sa mga arm rests. Hindi ko napigilan hindi hawakan ang isang kamay niya.

Gumalaw si Chase dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakamulat na siya at nakatingin sa kamay kong nakahawak sa kanya.

"S-sorry. Nagising kita." ani ko at babawiin na sana ang kamay ko pero pinigilan niya ko.

Hinawakan niya na rin ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. "No, Jace. It's fine." aniya.

Tumango ako at pumikit na ulit siya para makatulog. Wala pang isang minuto nang nagmulat ulit siya at ibinigay sakin ang isang earbud ng headset niya. Isinalpak niya sa kanang tenga ko ito saka siya tuluyang pumikit. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Chase at pumikit na rin.

Gumising kami saglit ni Chase dahil sa pinagsuot kami ng seatbelt. Ikinabit namin ni Chase ang amin habang si Ina naman ay inaasikaso na si Zion. Balik kami sa kanina'y pwesto namin ni Chase at tuluyang nakatulog.

Buong byahe ay tulog kami ni Chase. Gumising lang kami nang nakarating na kami sa Pilipinas. Hinihintay namin ni Chase ang bagahe naming apat habang si Ina ay nakasabit sa kaliwang balikat niya ang duffel bag habang hawak ang nakabackpack na si Zion sa kamay. May tinatawagan ulit si Ina pero frustrated pa rin siya kung titignan.

"Is Inari okay?" tanong ni Chase habang kinukuha ang magkatabing bagahe namin at itinabi niya sakin.

"Hindi niya raw macontact si Nathalie." ani ko.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now