Chapter 24

149 2 0
                                    

Chapter 24


Tatlong araw na ang nakalipas simula nang kausapin ako ni Ina tungkol sa pag-alis namin. Sabay kaming bumaba ng sasakyan ni Ina at halos kararating lang rin namin dahil inihatid pa si Zion sa school niya. Pumanhik kami ng ilang hakbang ni Ina at nauna na siyang pumasok kaysa sakin. Nilibot ko ang tingin ko sa parking lot at napatingin sa parking space nila Zach. Wala pa ang sasakyan ni Chase.


Sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi namin nabuksan ang topic ng pag-alis namin. Chase tried to keep me okay. Hindi na rin umaaligid si Circe sa kanya pero nag-aaral pa rin siya dito. Kapag nakakasalubong namin siya ay inaakbayan lang ako ni Chase. Hindi ko pa rin maiwasan minsan na maging cold kay Chase pero nagagawan niya ng paraan para tunawin ako sa yelong binubuo ko mag-isa ng wala sa sarili.


"Irina," tawag sakin ng kambal ko.


Nilingon ko siya na naglalakad papalapit sa akin. "Oh?" Tanong ko rito.


"P-pumasok na tayo." Aniya na nautal pa.


May something kay Ina na hindi ko mahita. She looks worried at the same time nervous. "Ayos ka lang ba, kambal?" Tanong ko rito.


Tumango siya at nginitian ako. Hindi maipagkakaila na kambal ko nga talaga ito dahil parehas kami kung ngumiti.


"Ayos lang ako. Tara na?" Aniya sakin na tinanguan ko.


Sinakbit ni Ina ang bisig niya sa braso ko saka kami sabay na pumasok ng school building. Dire-diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa ihatid ako ni Ina sa classroom ko. Katabi lang ng room ko ang papasukan niyang room.


Kasama ko ngayon sa klase na ito si Juniel at dahil maaga pa, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng coat ko. Tinignan ko kung may message si Chase o kaya tawag man lang pero wala.


Nagsimula ang klase ko na wala man lang akong nakita ni isang anino ni Chase. Where the hell is he anyways?


"Guys, nakita niyo ba si Chase?" Bungad ko.


Nagtinginan sila at si Jacob ang sumagot. Umupo ako sa tabi ni Nathalie at kaharap ko si Ina na mukhang nag-aalala na sa busangot kong mukha.


"Wala bang text o missed call sa'yo?" Tanong ni Jacob.


"Wala, Jake." Sagot ko.


Inabutan ako ng churos ni Juniel na katabi si Nathan. Hahanapin ko sana si Zach dahil baka alam niya kung nasaan si Chase. Imposible kasing absent yun dahil si Chase ang lalaking laging perfect attendance. Nag-uusap sila tungkol sa kung ano-ano. Buti pa nga sila nakakatawa tas ako para akong timang dito na nagmumukmok.


"Hi Irina!" Masayang bati ni Eris sa likod ko.


Nilingon ko siya at nakangiti siya sakin. Bahala na, desperada na ko.


"Nasaan si Chase?" Tanong ko at tumayo.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now