Chapter 9

290 5 0
                                    

Chapter 9

"Are you really sure that you're a first timer?" tanong ni Chase sa gitna ng byahe papunta sa bahay. Nagtraffic kasi bigla.

"Pinaglololoko mo ba ko? Malamang oo, sigurado ako." sagot ko at humalukipkip.

"That's not how a first timer kiss, Irina." ani Chase.

Tinignan ko siya at nakita kong nakakunot ang noo niya habang hawak ang manibela gamit ang parehong kamay. Sinilip niya ko ng tingin kaya ngumiti ako pero binalik niya lang ang tingin sa daan saka ito pinaandar.

"Really?" amused na tanong ko.

"Yeah and now I can't help but think that someone might have taught you how to kiss when you were sleeping." ani Chase sakin.

"I've read novels, Chase. I guess, nakuha ko sa pagbabasa ng libro." sagot ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

Ngumisi naman si Chase at sumulyap ulit sakin. "I'll accept that reason." aniya at pinabilis na ang takbo ng kotse niya.

Wala pang ilang minuto ay nakarating agad kami sa bahay. Bukas pa ang ilaw kaya tinignan ko ang oras. Medyo napatagal pala ako sa condo ni Chase dahil 12:00 kami umalis ng bahay ni Zion para pumunta sa mall at mga alas quatro na kami nakabalik ng bahay. Alas sais na ng gabi.

"Sige na, bababa na ko. I'll see you next week, Chase." ani ko at akmang bubuksan na ang pinto pero nakalock pa rin ito.

Aangal na sana ako nang salubungin ako ni Chase ng halik. Nilagay niya sa batok ko ang kamay niya para mas pailalim pa ang halik niya. Hindi ko napigilang tugunin si Chase sa bawat halik na binibigay niya. Natigilan lang ako nang pakiramdam ko ay may makakakita sa amin dito.

Hihiwalay na sana ako nang hawakan ng isa pang kamay ni Chase ang pulso ko at pinigilan ako.

"Chase.." ani ko sa gitna ng paghalik sakin ni Chase.

Hindi ako pinansin ni Chase kaya't gamit ang free hand ko ay hinawakan ko siya sa pisngi at inilayo. Nakakunot noong tumingin sakin si Chase. Nginitian ko siya saka ako nagsalita. "Baka dumating si Kurt at makita tayo, Chase." ani ko.

"I don't care, Irina." aniya at niyakap ako.

"I thought you wanted to keep this a secret?" tanong ko at niyakap na rin siya pabalik.

"Alright, alright. I'll let you go. I'll see you when I see you." paalam niya saka ako mabilis na hinalikan sa labi. "I'll just call you later, okay?" aniya sakin na tinanguan ko naman.

Binuksan niya ang lock ng pinto saka ako lumabas. Dire-diretso akong pumasok sa bahay at hindi na nilingon si Chase. Narinig ko na lang ang pag-andar ng kotse niya ng mabilis nang maisara ko ang pinto. Tinignan ako ng kambal ko na prenteng naka-upo sa sofa namin at nag-aaral.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now