Chapter 34

187 4 0
                                    

Chapter 34


Tinignan ko ang sarili ko sa aking compact mirror. Maayos naman itsura ko. Ang lakas ko mag-ayos ng mukha, parang hindi ako maliligo sa dagat mamaya. Busy sa paglalagay ng sunblock si Ina sa balat niya. Pati si Shin nilagyan niya na rin saka niya binigay sa akin.


Naglalagay ng gamit sa likod sila Chase. Nandito na si Zane at ang ibang gamit namin ay nasa sasakyan nila Ridge kaya medyo nakaluwag kami dito sa may van. Doon na rin umupo sila Kendra at Jin kasama nila si Juniel. Sumandal ako at naramdaman ko na lang na may humawi ng buhok ko sa noo at hinalikan ako doon.


Napaupo ako ng maayos at tumingin sa likod ko. Nandoon si Chase na nag-aayos na ng gamit. Tumingin siya sakin at ngumiti.


"Matulog ka muna." Sabi niya sakin.


"Tagal pa kayo?" Tanong ko.


"Hawak ni Zach ang gamit nila ni Anica. Just waiting for him. Huli na yun kaya matulog ka na muna." Sabi ulit nito.


Tumango ako at bumalik sa ayos. Sumandal ulit ako saka pumikit para makatulog. Nagising na lang kami sa tapik ni Anica na hinihingi ang pambayad sa entrance fee gawa't magbabayad na sila Juniel. Inabot ko sa kanya ang wallet sa mini shoulder bag ko. Kami na lang ni Ina ang nandito sa loob kasama si Zane. Nakikipag-usap si Zane kila Chase sa likod.


Bumaba si Ina, buhat-buhat si Shin. Si Chieri ay nakaupo sa tabi ng bintana kaya tinapik ko siya sa binti niya. Tinuro ko ang labas at tinanguan niya naman ako. Paglabas namin ay hiningi ni Darryl si Shin kay Ina na binigay naman. Nakababa na rin si Zane dahil nakaalis na kami sa pagharang.


Napatingin ako kila Nathalie na kasama si Justin. Nagpipicturan yung dalawa doon kaya tinuro ko kay Ina. Tumakbo si Ina doon at nakita ko si Zach at Chieri na sweet sa isa't isa kasabay ng pagkagulat ko nang magmura si Chase ng paulit-ulit. Ibinagsak niya pa yung cooler at hindi ko siya malapitan. Baka kung ano kasi gawin sakin eh.


"What?!" Dinig kong sigaw ni Chase.


Lumapit ako kila Ina at nakisali sa picturan nila. Si Justin na ang pumunta doon kapalit ko. Tumingin ako sa pwesto nila. Tumatawa si Jacob sa biglaang pagmumura ni Chase. Nakahawak si Chase sa may gilid ng van at inangat ang tingin kay Zach.


"How can I fvcking calm down? Shit! Zach! How can we have fun if we're going to keep eyeing on these fvcking girls!" Sigaw niya.


Lumapit si Zane kay Chase at tinapik ito sa likod saka niya rin kinausap. Nakisali na ulit ako sa picturan nila Nathalie at may mga solo pa kami. Tumingin ako sa damit ni Chieri. Somehow kahit na nakahanging blouse siya ay hindi naman kita ang katawan niya unlike the rest of us. Naka-knot top ako at shorts na puti. Sa loob ng damit ko ay suot-suot ko ang navy blue at white na two-piece.


Si Ina ay nakastripes na patterned na two-piece rin pero natatago ng lace cover-up at denim shorts. Si Nathalie hindi ko alam kung anong suot gawa't hindi ko naman siya kasabay magbihis.


Nang magtext si Juniel sa phone ni Nathalie ay saka kami huminto. Lumapit na kami sa kanila at kanya-kanya kaming dala ng gamit. Nilapitan ko si Chase na nakakunot pa rin ang noo. Hindi ko siya makausap gawa't alam ng lahat na may fiance ako pero ganito pa ko kay Chase.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now