Chapter 33

186 4 0
                                    

Chapter 33


Sumakay na ko sa dating pwesto ko. Inalukan ako ng kendi ni Zane at inutusan pa kong bigyan ang kapatid kong papaupo na sa tabi ko. Hawak niya ulit si Shin saka niya pinaupo sa tabi ng bintana. Inabot ko sa kanya yung kendi at nginitian na lang siya ng pangunutan ako ng noo. Tanggapin mo na lang! Aangal pa eh!


Huli ulit sumakay sila Chieri. Bumalik sa pwesto niya si Chieri pero si Chase katabi niya. Ayan na sila. Nagsimula na ulit sila at tama ang hinala ko dahil sa tanong ni Chase.


"Did you two fought again?" Tanong niya kay Chieri.


Hindi sumagot si Chieri at nagkibit balikat na lang siya saka ako nagsalita.


"Walang araw na hindi kayo mag-aaway, no?" Ani ko sa kanya.


"Yeah, I'm kinda fed up with it. I got tired of it." Sagot ni Zach.


Naghanap ako ng maibabato kay Zach pero tinulak na siya ni Jin at minura pa. Napailing na lang ako sa taong ito. Parehong pareho sila ng best friend niya. Nagpaparamdam na susuko na sila pero hindi naman talaga nabitaw. Teka, ano nga bang pakielam ko kung katulad niya si Chase?


Binigyan ako ng pamaypay ni Ina. Sa sobrang init kasi ng panahon, hindi na kinaya ng aircon. Kahit kami, hindi na namin kinaya ang saksakan ng init. Galit na galit ata sa Pilipinas and hanep kung maghasik ng init dito.


After 40 minutes ay nakarating kami sa lumang bahay nila Juniel. Si Zach ay parang timang na padabog binuksan yung pinto ng van. Gusto kong konyatan si Zach para kay Chieri. Nakakaawa na rin kasi yung babae. Parang ako lang.


"Itong si Zach, matapos landiin sa tawag si Chieri, biglang magwawala ng parang tanga." Ani Jin.


"Ganyan yan si kuya. Pagbigyan." Sagot ni Justin at bumaba na.


"Agawin ko si Anica sa kanya, makita niya." Sabi pa ni Jin.


Nabatukan ni Zane si Jin kaya natawa ako saka ako ang sumunod na bumaba pagkatapos ni Ina at Shin. Lumabas si Juniel ng bahay nila at inintriga agad si Anica. Hindi naman kami makapagsalita. Wala rin kasi kami sa posisyon para sabihin kung anong nangyari pero nagtataka ako kung ba't iba ang sinagot ni Anica.


"Jetlag." Sagot ni Anica na tinanguan ni Juniel.


Yumakap si Juniel sa amin nila Nathalie, Ina at Irina. Tinignan ni Juniel muna si Kendra. Naalala ko kung bakit siya galit kay Kendra pero hindi ko alam kung totoo ba itong pinagsasabi ni Juniel. Sinabunutan niya kasi ng dahan-dahan lang at si Kendra ay natawa. Napatingin ako kay Ina. Wala nga talaga akong balita sa kung anong nangyari dito nang mawala kami.


Inabot ni Ina kay Darryl si Shin kanina kaya hindi siya nakasali sa group hug. Besides, hindi niya naman kilala si Juniel.


Tinawag ni Anica si Juniel para ipakilala si Salvador. Ang sa isip ko rin nang makita ko sila noong dumating si Anica sa Pilipinas ay ang dami nilang sinasabi sa isa't isa pero hindi naman pala talaga sila. A fraud, then.

Nothing But StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon