Chapter 7

330 7 0
                                    

Chapter 7

"Unbelievable." ani Chase sakin.

Bumaling ako sa katulong ko at naintindihan niya naman agad ang tingin ko sa kanya. Pumasok siya ng bahay at sinara ulit ang pinto. Binalik ko ang tingin ko kay Chase. Lumapit siya pero sa gulat ko ay napalayo ako.

"Shou-Shouldn't you be in class?" ani ko at napamura sa utak nang mautal ako.

"I came here to talk to you, Irina but what I just saw makes me want to punch a wall." ani Chase at tumingin sa kabila.

Napakagat ako sa labi ko at yumuko. He's acting like this again. It makes everything hard for me. Mahal ko si Chase pero fvck I want to move on because he's no good for me anymore. Everything is unrequited but with Kurt, I'll be happy. I'll never cry again. Hindi na ko mabubuhay sa takot kung susubukan ko ulit kay Kurt.

"Irina, I thought it was me? I thought you love me? Is everything I heard a joke?" sunod sunod na tanong ni Chase sakin saka siya lumapit at humawak sa braso ko.

Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Chase at napa-awang ang bibig ko. "D'you actually think I'd joke about my feelings?" ani ko at tinanggal ng marahas ang hawak niya sakin. 

Tinignan ko si Chase sa mata niya at kinagat ulit ang labi ko. I need to control my sob. I don't wanna look weak infront of him. Tama na ang iyak. Kotang kota na ko sa pag-iyak dahil kay Chase.

"Sana nga joke na lang ang lahat eh. Para madaling makamove on. Para alam mo na, k-kapag napaniwala k-kita, tapos na ko sa'yo pero hindi eh. H-hindi siya joke kaya ang hirap." ani ko at napahikbi.

"Then what's with that guy, Irina?!" inis na sigaw ni Chase.

"I just want to move on, Chase! Why can't I do that?! Why do you always have to be like this every damn time?" may diin kong sigaw. Wala si eomma at appa ngayon kaya ayos lang kung sumigaw ako rito. Naiinis lang talaga ako.

Masamang tumingin si Chase sa mata ko. "I want you to stay away from Kurt starting today, Irina." aniya at humalik sa pisngi ko saka ako mabilis na tinalikuran.

"Chase! Chase! I'm not gonna do shit!" sigaw ko pero hindi niya na ko pinansin at dumiretso na talaga siya sa kotse niya.

Pinanood ko kung paano mabilis na paandarin ni Chase ang kotse niya paalis ng village. Frustrated kong binuksan ang gate ng bahay at pumasok. Sumalubong ang kapatid ko sa tapat ng pinto. Ba't nandito si Zion?

"Ginagawa mo rito Zion?" tanong ko at umupo sa harap niya saka itinago ang mukha ko sa tuhod ko. I don't want Zion to see me look like a freaking retard.

"You don't want me here, unnie?" aniya sakin imbes na sagutin ng maayos ang tanong ko.

"Of course I want you here pero diba dapat kasama ka nila eomma?" tanong ko pa ulit.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now