Chapter 5

399 7 0
                                    

Chapter 5

"Hello?" sagot ko sa cellphone ko nang bigla itong nagring sa bulsa ng coat.

"Irina! Hello!" bati sakin ni Niccolo.

Huminto ako sa paglalakad at nakita si Niccolo na nakasuot ng kaparehang uniform ng mga boys. May kasama siyang lalaki na nakauniform din pero nakatalikod sakin. Kumunot ang noo ko lalo na nang kumaway sakin si Niccolo kaya nagsalita ako.

"Ba't ka naka-uniform?" tanong ko pero di pa rin ako naglalakad.

"Ayaw mo ata ako kasama mag-aral eh." ani Niccolo sakin at kitang kita ko rito ang pagnguso niya.

"You're supposed to be in college, not in high school Niccolo. Baka nakakalimutan mong mas matanda ka sa amin ni Ina?" sagot ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"I'm only 2 years older than you two. Besides marami rin namang 18 years old dito. I heard mga kaibigan mo ay 18 years old." sagot niya niya sakin.

"It's because some of them are late enrollees or late nag-aral and some of them are repeaters. Kaya wag ka nga Niccolo!" ani ko.

May naggood morning sakin na mga estudyante kaya nginingitian ko na lang. Pinanood ko ang pagkilos ni Niccolo sa malayo. Bored siyang tumayo saka ko narinig ang boses niya sa cellphone.

"Pumunta ka na nga lang dito." aniya sakin at sinuklay niya ang buhok niya.

"Hintayin mo ko." ani ko at mabilis na naglakad ulit papunta naman sa pwesto ni Niccolo.

Binaba ko ang tawag nang makarating ako sa pwesto niya. Tinapik niya yung katabi niya at humarap naman ito. Nanlalaking mata ako napatingin kay Kurt Ibanez na napangiti nang makita ako. Akmang tatakbo ako nang hawakan niya ko sa pulso at hilahin papunta sa kanya.

"Iwan ko na kayo, Kurt?" tanong ni Niccolo.

Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Niccolo. Hinihigit ko ang sarili ko sa hawak ni Kurt pero malakas talaga si Kurt at mahigpit ang hawak niya sakin. Pinitik ko pa ang kamay niya pero natatawa na lang silang dalawa sakin. Binalik ko ang tingin ko kay Niccolo.

"Subukan mong umalis! Sinasabi ko sa'yo itatakbo ko yung kambal ko papalayo sa'yo! Isusumbong pa kita kay Ina!" pananakot ko kay Niccolo.

Ngumisi si Niccolo sakin at sumagot. "Ikaw na kaya nagsabing walang pakielam sakin si Ina." aniya at tinaas baba ang kilay sakin.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Niccolo and I swear, kung may hawak akong matigas na bagay, kanina ko pa ibinato sa pagmumukha nito ni Niccolo. Gosh! Ayaw bumitaw ni Kurt.

"Kurt ano ba!" sigaw ko at hahampasin siya pero nasalo niya yung kamay ko.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now