Chapter 20

201 2 0
                                    

Chapter 20



Maaga akong nagising dahil sa pagkatok ni Ina sa pinto ng kwarto ko. Simula nang malaman kong bumalik si Circe ay hindi na ko mapakali whenever I'm with Chase. Pakiramdam ko anytime nandiyan si Chase, baka may Circe na biglang sumulpot.


Naligo't nagbihis ako ng uniform saka ko tinignan ang cellphone ko. May text dito sila Nathalie na sinasabing half day kami ngayon. Natapos na ang tatlong linggo nila appa doon kaya nakauwi na sila ngayon ni eomma. Tulad ng sinabi nila appa'y ngayon lang talaga kami papasok sa school pero alam nila Nathalie na nandito na kami.


Lumabas ako ng kwarto dala ang bag ko. Dumiretso agad ako sa kusina kung saan kumakain ang mga kapatid ko. I kissed eomma and appa's cheek saka ako umupo sa tabi ni Ina.


"Gusto kong bisitahin si Anica, kambal." ani sakin ni Ina.


"Ako rin. Hintayin niyo ko matapos sa practice ko, please?" pagmamakaawa ko sa kambal ko.


Inirapan ako nito kasabay ng pagtikhim ni appa sa tabi ni eomma. "Siya ba yung Perez?" tanong ni appa sa amin.


Sabay kaming tumango ni Ina kay appa. Tumingin si eomma kay appa na parang nagtataka kung ba't siya biglang naging interesado sa pinag-uusapan namin ni Ina.


"I heard she's nice just like her father." ani appa na may ngiti at tinignan si eomma.


"Hindi ba't kaibigan mo si Riley?" tanong ni eomma kay appa.


"Yes, Evol." ani appa habang natango saka bumaling sa amin ni kambal si appa. "Cherish every moment you spend with those kind of people. Me and Riley are still best pals because we cherished every stupid things we did." ani appa sa amin.


Tumango kami ni Ina bago nagkatinginan. Ngumiti kaming dalawa ni Ina saka nagpatuloy sa pagkain. Matapos kumain ay nag-unahan kaming tatlo sa banyo para makapagsipilyo at dahil magaling ako, nauna ako kila Ina. Binilisan ko na lang ang kilos para matapos at makapasok agad.


Hinatid kami ng driver sa school. Dala-dala ang violin ko ay nauna akong bumaba ng sasakyan at hindi na hinintay si Ina. Matagal na rin ako hindi nakakapagpractice and I'm sure hinahanap-hanap ako ng teacher ko.


Binuksan ko ang pinto ng auditorium at ikinagulat ko nang may tumutugtog ng gitara sa may stage kung saan nandoon rin ang guro ko. Dahan-dahan akong lumapit sa stage saka ko unti-unting narinig ang pagkanta ng babae habang walang mali na nag-gigitara.


Naagaw ko ang atensyon ng guro kaya't tinawag niya ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti saka ako pumanhik ng stage. Naghead bow ako sa teacher ko at ngumiti sa kanya.


"I heard your sister won, Irina." bungad niya sakin na may ngiti.


"Yes, she did." sagot ko.


"Well, since you're finally back. Marami akong ituturo sa iyo and I'm sure you'll be wonderful." aniya at hinila ako palapit sa babaeng naka-upo at nakangiti na sa akin nang makita niya.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now