Chapter 11

253 5 0
                                    

Chapter 11

"Ba't tayo pupunta ng Seoul, kambal?" tanong ko kay Ina na nagbibihis dito sa kwarto ko.

"Well, first of all itutuloy ang treatment kay eomma tapos daw noon, magaling na si eomma tapos may competition na ko at doon magsisimula sa Seoul." aniya at sinuot ang boots niya.

"Hindi ba pwedeng kayo na lang?" tanong ko pa ulit.

Nagbibihis kami ni Ina gawa't pupunta kami sa DFA para magpa-ayos ng passport. Ipapare-new kasi nila appa dahil lahat kami ay pupunta sa Seoul para samahan si eomma sa last treatment niya at dahil na rin sa competition na sasalihan ni Ina.

Gusto kong sumama of course pero for crying out loud I'm worried about Chase. Ni hindi pa nga ako nakakapasok ulit ng school eh. Hindi ko pa rin siya nakakausap dahil buong linggo ay nakatuon ang pansin ko kay Kurt. Araw-araw siyang nandito sa bahay.

"Oh I know you, Irina. Stop thinking about Chase or Kurt and start thinking about eomma. We wanted her healthy, right?" aniya sakin at tinaasan ako ng kilay.

Tumango ako at ngumuso. "Then forget about Chase or Kurt. Can't you just text them and tell them that we're leaving for I don't know, three weeks?" ani Ina at binatuhan ako ng damit.

"Three weeks, Ina?!" sigaw ko sa gulat. 

Nagpout si Ina sakin at tumango. Napahiga ako sa kama sa frustration at halos mangiyak-ngiyak ako. Three weeks. God! I'll miss Chase big time. Umupo si Ina sa tabi ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya sa kamay.

"Ina.." ungot ko saka ako napakagat sa labi.

Ina shushed me at sabay kaming napalingon sa pinto nang biglang may kumatok doon. Napa-upo ako mula sa pagkakahiga habang si Ina naman ay dumiretso sa pinto para pagbuksan ang kumakatok na si appa.

"You girls ready? Aalis na tayo para makabalik agad." ani appa sa amin.

Tumango kami ni Ina at sumunod kay appa palabas. Dala ko ang bag ko at sa gulat ko kay Zion ay mahina ko siyang nahampas nito.

"Ya noona! Jugulae?" ani Zion sakin.

"Mianhae! You shocked me." sagot ko saka ko siya inakbayan at sabay kaming lumabas ng bahay.

 Unang sumakay si Ina sa SUV kasunod niya si Zion. Tinignan ko si appa na sinasara ang pinto ng bahay. Bumuntong hininga muna ako bago ako sumakay katabi ni Zion. Sumakay na rin si appa saka kami bumyahe papunta sa Paranaque.

Paulit-ulit kong tinignan ang cellphone ko. Alas quatro pa lang ng umaga kaya siguro wala pa kong narerecieve ng text nung dalawa. I'm freaking torn in between. Hindi ko alam ano pa rin talaga ang gagawin ko.

Yes, I finally have Chase but he gives me a rollercoaster ride of feelings that never stops. Nakakahilo. 

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now