Chapter 28

176 3 0
                                    

Chapter 28


We're back to our real home. Nagpaiwan muna si Kurt sa London aniya'y tatapusin niya raw muna ang projects ng kumpanya nila doon. Paglapag pa lang at paglabas ko ng eroplano dinukot ko agad ang cellphone ko sa pantalon ko saka ko mabilis na pinindot ang numero ni Kurt sa cellphone ko.


Itinapat ko sa tenga ko ang cellphone at wala pang ikalawang ring ng sagutin agad ni Kurt ang tawag.


"Hello to my beautiful fiancee. Nasa Pilipinas ka na ba?" Bungad ni Kurt na nagpamula sa pisngi ko.


"Huwag ka nga Kurt. Shit, oo." Ani ko.


Tumawa si Kurt mula sa kabilang linya at tinanong kung anong oras na.


"4:30 ng hapon. Bakit? Nasaan ka?" Tanong ko rito.


"Don't hang up on me once I answer your question, Jace. Deal?" Sagot ni Kurt.


"I won't." Sagot ko at sumunod kila appa.


Kasabay kong maglakad si Zion at si Ina. Kinuha ko kay Zion ang duffle bag ko at isinabit sa bisig ko. Inayos ko naman ang clubmaster ko at naririnig ko ang tawa ni Kurt sa kabilang linya. He's not alone.


"I'm currently in an early business meeting with my clients and investors, Irina. They asked me to say hi to you for them. Mind saying hi back?" Ani Kurt at tumawa.


"Damn you, Kurt! Naistorbo kita!" Mahinang sagot ko rito.


"She said hi." Aniya sa mga kliyente at investors saka tumawa ulit.


Napasapo ako sa noo ko dahil sa kalokohan ni Kurt. Nagtawanan rin naman yung mga kliyente niya. Napaka ano talaga nitong taong to!


"Anyways, you entertained my guests very well Jace. Ingat kayo sa pag-uwi niyo. Uuwi ako as soon as possible. I promise." Aniya na nagpangiti sa akin.


"I'll expect that and we will be careful. Ingat ka rin diyan. 'Wag kang mambababae, ha?" Pagbibiro ko dito.


"Magpro-propose ba ko sa'yo kung mambababae rin ako sa huli? 'Wag ka nga. Uwian kita bigla diyan, makita mo." Ani Kurt at nagtawanan ulit sa kabilang linya kahit ako natawa.


"Hahahaha! Tama na. Mag-meeting na kayo. Bye!" Ani ko rito.


"Bye. I love you and I miss you already." Sagot ni Kurt.


Parang ang sarap batukan ni Zion sa kilig ko pero siyempre hindi ko ginawa. Ang height ni Zion ay abot na sa tenga ko. He is no longer our baby brother pero ayos lang, nagpapalambing pa rin naman sa amin eh.


"Mahal din kita. Mag-meeting na kayo." Ani ko na may ngiti sa labi saka ko pinatay ang tawag.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now