Chapter 22

187 4 2
                                    

Chapter 22

Kasalukuyan akong tumutugtog ng violin sa harap ng guro namin ni Circe. Medyo gulantang pa ko sa binalita nila eomma sa akin kagabi. Hindi ko pa rin nasasabi kay Chase ang tungkol dito. Ayaw ko kasing gumawa na naman siya ng paraan tungkol sa isyu na ito. Gusto ko ako na bahalang kumausap kila eomma pero sasabihin ko naman talaga kay Chase.

Natilapid ang kamay ko sa pangangapa ng strings ng violin nang dahil sa tingin sa akin ni Circe. Napangiwi ako sa sakit ng daliri ko. Hindi biro ang pagtugtog ng violin. Nakakangilo na ewan kapag natitilapid ang daliri sa string. Tumingin ako kay Circe na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko napigilang hindi kabahan. Alam niya na kaya? Anong problema niya sakin?

"You okay, Irina? Masakit yung pagkakatilapid ng daliri mo." Ani sakin ng guro namin.

Tumango ako at binaba saglit ang violin ko para haplusin ang daliri kong napahamak. Tinanguan ako ni Ms. Leonida saka siya huminga ng malalim.

"Next time na lang ulit, Irina. Naramdaman ko yung sakit ng daliri mo sa sarili kong daliri eh." Aniya kaya natawa ako.

Nangunot naman ang noo ni Circe sakin dahil sa tawa ko. Nagpaalam saglit si Ms. Leonida at naiwan kaming dalawa ni Circe. I choose to ignore Circe dahil wala akong panahon para patulan siya kung sakaling may gawin siya sakin. One thing is for sure, nasa akin si Chase at wala sa kanya. Yun ang panama ko sa kanya.

"What did he saw in you?" Rinig kong biglang salita ni Circe na may pait sa kabilang ng accent niya.

"Ano?" Gulat na sagot ko saka ko siya hinarap.

"What do you have that I don't, Irina? Instead of Chase coming back to me, he chose you." Aniya habang nakatitig sa akin ng seryoso.

"It wasn't my fault that you left Chase, making him change his own mind about waiting foy your return. After how many years, ngayon ka lang bumalik kay Chase. And why is that?" Ani ko na may kunot sa noo.

"What are you trying to say?" Tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya ng sarkastiko at nagsalita. "I'm not trying to say anything Circe but I'd like to know your motives. You could have at least returned as soon as possible but what did you do?" Tanong ko rin sa kanya na may diin.

"You don't know what I've been through!" Sigaw niya sakin.

"You don't know what Chase have been through either!" Sigaw ko pabalik.

"He's mine in the first place, Irina! Back off and let him go!" Sigaw niya ulit pero ngumisi na lang ako.

"I'm gonna do that, Circe. Kahit gaano pa nakakatakot yang pangalan mo. Kahit ba gawin mo kong bato, hindi sasama sa'yo Chase." Ani ko at tinapos ang pag-aayos ng violin at bag ko.

Tinalikuran ko si Circe na naiyak na sa frustration. I'm very hard to deal with, Circe. Kapag sinabi kong ayaw ko, totoo ang sinasabi ko. Hinarap ko siya nang pababa na sana ako nang maalala ko yung tanong niya sakin. Pinunasan niya ang pisngi niya and I gave her my sweetest smile.

"And the answer for your questiom, Circe. What do I have that you don't?" Ulit ko at ngumiti pa ng mas malawak. "I have Chase while you don't." Patuloy ko at bumaba na ng stage ng auditorium.

Lumabas ako ng auditorium at hinawi ang buhok kong nasa may balikat ko na. Nag-init ang ulo ko. Umagang umaga pina-init ni Circe ang ulo ko. Wala akong pakielam kung galing siyang ibang bansa. For freak's sake may lahi rin ako ng katulad ng kanya!

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now