CHAPTER 06

9.9K 326 13
                                    

J A S M I N E     B R E I     C L A Y T O N



After seven years of sadness, pain, longing, finally! I'm coming home.

Hindi ko maipaliwanag ang tunay kong nararamdaman sa mga oras na ito. Halo-halo yung tuwa, excitement at kaba sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng takot sa muli naming pagkikita, siguro dahil maaring galit siya sa akin kaya ganun.

Sa loob ng pitong taong pananatili ko sa U.S ay binigay ko lamang ang attention ko sa pag-aaral ng medisina, binuhos ko lahat ng oras na meron ako dito kaya laking tagumpay talaga ng matapos ko ang pag-aaral ng medisina at maging isang ganap na surgeon.

Ngunit sa kabila ng lahat ng tagumpay na nakamit ko ay kulang pa rin ang lahat ng 'yon dahil wala sa tabi ko ang mahal ko ng makamit at malasap ko ang mga tagumpay na iyon. My heart has been full of longing for seven years.

Para sa 'kin ang muli siyang makapiling ang pinakamalaki at masayang tagumpay na makakamit ko. Matagal kong tiniis ang mawalay sa kanya at matagal-tagal ko ring kinimkim ang sakit, lungkot at pangungulila sa presensya niya.

Seven years ago, me and her mother met at most unexpected time of my life. At sa hindi inaasahang panahon na yun ay hindi ko rin inaasahan ang mga sumunod na nangyari at narinig kong salita mula sa kanyang ina. Gusto niyang layuan ko si Scarlett.

Pa-graduate pa lang ako ng college nung mga panahong yun at wala pa talagang napapatunayan sa buhay kaya hindi ko napigilang hindi maduwag at piliin ang sa tingin kong tama sa mga oras na iyon. Sinunod ko ang kagustuhan niya. Tinanggap ko ang offer nila Mom na sa U.S ako mag-aral at doon tapusin ang medicine. I left Scarlett behind without saying goodbye and didn't bother her for seven years. Nung mga unang taon ko sa States ay labas–pasok ako ng bansa para lamang masilayan siya kahit sa malayuan.

For the past few years I've been content watching her from a distance.

Naging mahirap sa akin ang mga nagdaang taon pero alam kong mas naging mahirap sa side ni Scarlett. She has no idea why I left her. She's literally clueless about what her mother have done kaya alam kong kahit sa muling pagbabalik ko ng Pilipinas ay mahihirapan pa rin akong harapin siya dahil sa maaaring galit niya sa akin.

Lumipas ang taon na lagi akong umuuwi ng pinas para lamang panoorin siya mula sa malayo. Ngunit natigil din iyon dalawang taon ang nakaraan sa kadahilanang hindi ko na ito masingit pa sa oras ko dahil andami ko ng ginagawa at palagi na akong tinatawag ng trabaho kaya ganun na lang ang sabik ko na muli akong uuwi sa bansang sinilangan ko dahil makikita ko na siyang muli at sa pagkakataong ito ay mananatili na 'ko dito.

Dr. Ian Francisco Dwason, her Dad. He is the reason behind my sudden homecoming. Few months ago, he contacted me. Offering me something great. He wants me to be one of the surgeons at his hospital and one of his best offers was for me to become Scarlett's partner. Walang pagdadalawang isip at pag-aalinlangan kong tinanggap ang trabahong inihahain niya sa akin.

Tanging si Dr. Ian at mga kasambahay lang namin sa bahay ang nakakaalam ng biglaang pag-uwi ko, maski ang mga magulang ko ay walang kaide-ideyang uuwi ako ngayon. Tumawag lang ako sa bahay bago umalis ng U.S para makisuyo sa family driver namin na sunduin ako sa airport dahil madaling araw ang dating ko sa Pilipinas. 

By the way, I am Jasmine Brei Clayton. I am 27 years old. A great surgeon from the United States and I am Scarlett's greatest past. My parents are well known as excellent and successful lawyers. They owned an international firm. I have no passion when it comes to law because being a doctor is really in my heart. I love helping people. It's my passion at mas lalong tumindi ang kagustuhan kong maging doctor ng makilala ko si Scarlett noon. We have the same desires in life and saving people's lives is one of them.

On The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon