CHAPTER 14

8.1K 243 30
                                    

Weekend na ngayon at napagkasunduan namin ni Allison na mag-out of town muna kahit dalawang araw lang. I'm currently driving to Zambales, dapat magbobook na ng flight si Allison kahapon para sana mabilis lang ang byahe namin kaso lang naisip ko malapit lang naman at saka pwede naman akong mag-drive.

Parang 4 hours lang kasi ang byahe pero depende sa madadaanan naming traffic. Pero kung maaga at wala pa gaanong sasakyan sa kalsada hindi naman ganun katraffic. Kaya three o'clock pa lang ng madaling araw ay umalis na kami ni Allison para kahit papano ay hindi kami abutan ng traffic dito sa Manila.

"Tired? Pwede naman tayong mag-palit na muna. Ako muna mag-drive, ikaw naman magpahinga," Alok ni Allison at bahagya pang pinisil ang kamay ko.

Nilingon ko naman ito at inilingan. "No, it's fine. Malapit na rin naman tayo, okay lang." Sagot ko at muling tumingin sa daan.

Maliwanag na kase alas sais na rin ng umaga. I think my choice was the best because we saw how the sun rose up and I felt happy for that. Chasing the sunrise is one of the best memories I have done with Allison.

Alam kong masyadong mababaw ang kaligayahan ko para lang matuwa na nasaksihan namin ang pagsibol ng araw habang bumabyahe pero ewan ko ba. Iba lang kasi talaga yung dating para sa akin at masaya na 'ko para dun. At sana ganun din si Allison, hindi ko kase siya matanong. Nahihiya kasi ako sa hindi malamang dahilan.

Biruin mo yun hindi niya tinuloy ang dapat na pag-alis niya kahapon at pinili niyang manatili dito para lang damayan ako. I actually don't know what to feel. Masayang nag-aalala ako kasi parang pinagpalit niya ang trabaho niya para sa akin na talagang ayaw ko.

Kahapon, pilit ko pa talaga siyang pinapaalis dahil alam ko kung gaano kaimportante ang pagpunta niya sa Europe, kahapon pero wala, e. Walang-wala yung kulit ko sa kulit niya, jusko!

"Are you sure?"

Ang kamay niyang nakahawak lang sa kamay ko kanina pa ay lumipat naman sa batok ko ngayon at marahang minasa-masahe ako doon. Nakatali ang buhok ko kaya malaya niyang nahawakan ang batok ko ng walang kahirap hirap.

I unconsciously nodded my head. "Yeah," Halos mautal-utal kong sagot dahil hindi talaga ako mapalagay sa ginagawa niya.

Naramdaman niya sigurong hindi ako komportable sa ginagawa niya kaya itinigil niya ito at muling ibinalik ang hawak sa kamay ko. Pero bago niya tuluyang itigil ang ginagawa niya ay nakita ko pa sa gilid ng mata ang bahagyang pag-ngisi niya. Marahil napapansin niya na rin ang mga nagiging epekto niya sa akin.

"Gutom ka na?" Pagtatanong ko para maiiwas ang sarili ko sa nangyari kanina.

"Kakakain lang natin, e. Bakit gutom ka na naman ba?" Halos mapatampal ako sa noo ko nang maalalang kakadaan nga lang namin sa drive-thru ng isang fast food chain para bumili ng pang-breakfast namin.

Tumikhim ako at lumingon sa bintana sa tabi ko para itago ang mukha kong mukhang namumula na sa hiya dahil naramdaman ko ang pag-iinit nito.

"Hindi. Just checking on you." Halos bulong sa hangin ko ng sagot.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito pero hindi naman siya nagsalita kaya muli na 'kong nagbaling ng tingin sa daan. Masyadong tahimik kaya ako na ang nag-kusang buksan ang stereo ng sasakyan para kahit papano ay may nag-iingay naman.

Naubusan na kasi ata ng kwento si Allison. Kanina pa kase siya kwento ng kwento ng kung ano-ano at magiliw naman akong nakikinig sa mga kwento niyang yun at kung minsan ay nakikisagot o nagtatanong pa nga.

Nilingon ko si Allison, dahil sa pag-aakala kong nakatulog na ito pero yun pala nagtatake ng selfies kaya saktong paglingon ko ay sakto ring pag-click niya sa shutter ng camera kaya ang kinalabasan nakaharap ako sa camera at mukha akong tanga.

On The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon