CHAPTER 07

9.5K 302 4
                                    

S C A R L E T T   M I L E S   D W A S O N



Naramdaman ko ang marahang pagyugyog at pagkalabit sakin ng kung sino. "Babe, wake up!"

Unti-unti kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kuwarto kaya agad akong napabangon na pinagsisihan ko din sa huli.

Mas lalo lang tumindi ang sakit ng ulo ko sa ginawa kong pagbangon kaya muli kong ipinikit ang mga mata ko habang sapo-sapo ang ulo kong parang binibiyak sa sakit.

I slowly opened my eyes and I saw Maxine standing on the edge of the bed with her hands clasped on her chest. Nang makita ko siya ay dun ko lang naalala na dito na nga pala ako sa condo niya natulog kagabi dahil hindi ko na makayanang umuwi at hindi niya na rin ako pinapayagan pa dulo't ng matindi kong kalasingan.

"Babe, gumising ka na jan, anong oras na, oh! May duty pa tayo ang bagal mo pa namang kumilos sa umaga." Tiningnan ko lang siya at pumikit ulit dahil ang sakit talaga ng ulo ko.

Sa tingin ko ay maling desisyon na dito ako nakitulog kagabi dahil ganito kaingay na babae pala ang sasalubong sa akin sa paggising ko. Jusko! Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kaingayan niya.

I opened my eyes and stared at her boringly. "Anong oras na?" She looked briefly at her wrist watch.

"8:23, na. Bumangon ka na jan malalate na tayo. May meeting pa tayo later." I nodded and stretched my arms for a moment.

Muli kong naramdaman ang pagpintig ng ulo ko kaya napahawak ako ulit rito. "Ansakit ng ulo ko." Reklamo ko habang hinihilot-hilot ang sentido ko.

Nakita kong inirapan ako nito bago magsalita. "Paanong hindi sasakit yan, e, ang damot-damot mo kaya kagabi! Ikaw lang uminom ng lahat nang alak na binili ko! Ginawa mo kaseng tubig ang hindi dapat, e! Yan buti nga!"

Kunot-noo at pabagsak itong naupo sa dulo ng kama tapos parang pagod at umay na umay akong tiningnan na ikinailing ko naman.

"Ang aga-aga ang ingay-ingay mo!" Singhal ko sa kanya.

She just stared at me blankly, then pointed her index finger to her floor to ceiling glass wall. "Anong maaga?! Tanghali na, oy! Bumangon-bangon kana jan, napaka tamad mo doktora!" She exclaimed.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa mga sinabi niya. "Sipain kaya kita?" Sabi ko sabay irap. Tumawa naman ito at tumayo na.

"Bumangon kana jan. Magluluto lang ako ng almusal natin, mahal na prinsesa!"

"Ikaw nalang mag-breakfast. Uuwi na 'ko. Sa hospital na lang ako mag-aalmusal." Sabi ko at tuluyan ng bumangon.

She just shrugged her shoulders and said, "Okay, take care. See you later, bitch!" All she said and left her room.

I shook my head and finally walked into the bathroom to wash my face and brushed my teeth. When I finished doing my morning routine I bid my goodbye to Maxine and left her condo. Her condo is not that far from mine. It only takes fifteen minutes to drive.

Nang makarating ako sa condo ko ay agad din akong naligo para maibsan ang sakit ng ulo ko. Ininuman ko na rin ng pain killer para tuluyan ng mawala. Nagmamadali na rin akong umalis para magtungo sa hospital dahil baka abutan na 'ko ng traffic.

On The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon