CHAPTER 11

7.9K 258 6
                                    

J A S M I N E    B R E I    C L A Y T O N



It's already morning and my alarm clock already rang but still, I couldn't sleep!

Buong gabi ko atang inisip ang kagagahan at katangahang ginawa ko kahapon. Naghalf day kasi si Scarlett, kahapon at bilang marami ang patient niya ay syempre hindi niya natapos kaya pinasalo niya, e nagkataon na tatlo lang ang naging patient ko kahapon kaya mabilis akong natapos kaya ako ang sumalo.

Tapos yung kabida-bidahan ko umiral kaya nung nagsabi sa akin si Nurse Missy na pinapasalo na daw ni Scarlett ang mga patient niya ay sinabihan ko siyang sabihin niya kay Scarlett na may kapalit 'yun. Actually, ginaya ko pa nga yung narinig ko kahapong sinabi niya kay Ivan na 'hindi ako tumatanggap ng thank you'. Ewan ko ba nacutetan ako masyado at saka hindi ko na rin talaga maintindihan ang mga pinaggagawa ko sa buhay!

Hindi naman talaga ako humuhingi ng kapalit dahil sa totoo lang na-enjoy ko rin naman ang ginawa ko kahapon, pero gusto ko na kasi talaga siyang makausap kahit na hindi ko alam kung pa'no. Ano bang una kong sasabihin sa kanya, aamin ba 'ko at sasabihin ko yung totoong dahilan kung bakit ako umalis at iniwan siya? Pero alam ko kasing mali at isa pa ayaw ko ng makagulo sa kanila ni Allison ang gusto ko lang naman maibalik namin yung dati, e. Kahit pagkakaibigan lang. Hindi na ako naghahangad ng higit pa dun.

Hay, bahala na nga si tiger!

I took my phone from the nightstand beside my bed and immediately searched for her number. I got her number from kuya Kayle. Kagabi kase saktong pagkaalis niya sa harap ko ay siya namang pagdating ni kuya Kayle kaya ayun nag-dinner kami saglit para mag-chikahan sa mga naging ganap namin sa buhay.

Mula noon pa man ay close na kami ni kuya Kayle. Nung paalis na nga ako noon nakapag-paalam pa 'ko sa kanya pero sa kapatid niya hindi ko nagawa kasi hindi ko kaya and besides alam niya din naman kasi ang nangyari between me and their mother. Actually, nung paalis ako nagpupumulit pa siyang sabihin daw namin kay Scarlett ang totoo o kahit magpaalam man lang daw ako ng maayos kasi deserve daw ni Scarlett 'yun and I don't disagree, because that's true.

Scarlett deserves to know everything but I can't tell her, especially at those moments. Pero minsan sumasagi rin talaga sa isip ko na what if sinabi ko sa kanya 'di ba? Ano kayang mangyayari? Aalis pa rin kaya ako? Feeling ko hindi na kasi baka 'pag nagkataon pipiliin kong maging selfish at hayaang bumagsak ang mga pinaghirapan ng magulang ko.

I breathe in and out and I started composing a text message for her.

To: Scarlett♡

Good Morning, Doc! I just want to ask you to have a cup of coffee today with me, if you're free.

I clicked the send button and jumped on my bed.

I don't know what her reaction will be. Maybe, she will freak out because she doesn't know where I got her number.

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko hanggang sa mapagod ako. Hinintay ko lang humupa ang hingal ko bago bumangon at magtungo sa bathroom para mag-shower at mag-ready na para sa duty ko for today.

___
S C A R L E T T    M I L E S    D W A S O N



After I showered and got dressed, I went out of the bathroom and went to my table to check my phone if there was an email from the board directors or from my Dad. When I opened my phone, a text message from Allison and an unknown number greeted me. I opened the text message from Allison first.

From: Allison

Good Morning, hun. I have some errands today with my friends that's why I can't go to see you later at lunch. Please, eat your breakfast before going to the hospital and eat your lunch as well. Take care, please. Have a nice day, honey. I love you so much.

On The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon