CHAPTER 17

8K 273 10
                                    

J A S M I N E    B R E I    C L A Y T O N


"Naririto po kami ngayon para maghatid ng kaunting tulong para sa inyo. Ako at ang buong team ko pati na rin ang iba pang medical personnel ng Dwason Medical Center, ay handang maglingkod at mag-serbisyo sa inyo mga minamahal naming Mangyans. Handa po kaming magbahagi ng kaunting pagkain, tubig, gamot at libreng check ups sa lahat ng taong naririto lalong-lalo na sa mga bata at sa ating mga senior citizens…"

I smiled proudly as I watched Scarlett have her speech. Nandito kami ngayon sa Mindoro para magsagawa ng medical mission para sa mga katutubong Mangyans na nakatira dito sa tabing dagat. Kumpleto ang team at marami ring iba pang doctors and nurses ang sumama. Marami rin kaming volunteers kaya naman sa tingin ko ay matatapos namin ang medical mission ngayong araw at makakauwi rin kami agad bukas.

Sa muling paglingon ko kay Scarlett ay ganun na lang ang pagtalon ng puso ko ng magtama ang tingin namin. Tumagal ng ilang segundo ang titigan namin bago siya umiwas at magsalita ulit. Isang linggo na ang nakalipas mula nung huli naming encounter at talagang hindi naging maganda ang katapusan nun. Nasaktan ako sa sinabi niya but I guess I deserve the pain?

Kung bakit ba naman kasi naduduwag akong sabihin sa kanya ang totoong dahilan ng pag-alis ko, e. Pero siguro tama nga siya. Dapat ko ng kalimutan ang nakaraan, lalong-lalo na ang nakaraan namin. Pero hindi ko magawa, e. Hindi ko talaga kaya. Ayokong kalimutan na lang ng basta basta ang lahat ng yun. Mahalaga sa'kin lahat ng yun, e. At yun na lang ang meron ako ngayon pati ba naman yun kakalimutan ko pa ba?

Tumalikod na ako at pumunta sa mga volunteers namin para makitulong sa paghahanda ng mga kagamitan para sa consultations and check ups mamaya. Mabilis na lumipas ang oras lalo na't nag-eenjoy ang lahat sa kanya kanya naming ginagawa.

"Gaano na po katagal ang ubo niyo, tay?" Tanong ko sa senior citizen na patient ko ngayon.

"Hindi ko na po alam, Doktora. Hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula pero matagal na po." Sagot ni lolo sa akin.

Napatango ako. "Okay, tay. Hindi ko muna kayo reresetahan ng gamot dahil kailangan niyong ma-examine para malaman natin ang findings niyo."

He nodded. "Okay po, Doc," I smiled at pina-assist na din siya sa mga Nurse.

Nagtuloy-tuloy ang pag-check ups namin hanggang sa natapos namin itong lahat. Hapon pa lang at mataas pa ang araw. Maaga pa lang kase kanina ay naririto na kami kaya maagang nakapagsimula.

Napalingon ako sa kaliwa ko ng marinig ko ang malakas na tawanan ng mga bata. Napangiti ako ng makita ko si Scarlett at si Kuya Kayle kasama ang iba pang lalaking Doctors na nakikipaglaro sa mga bata.

"Dr. Clayton!" Natangal ang tingin ko kay Scarlett nang tawagin ako ni Dr. Lim. Itinaas ko ang dalawang kilay ko indikasyon na nagtatanong ako. "Come here! Come with us!"

Luminga-linga ako sa paligid at nakitang may kanya kanya ngang ginagawa ang iba at ako na lang ang nakaupo dito. Kakatapos ko lang din kasi kumain kaya nagpapahinga pa 'ko ng konti. Muli akong lumingon sa pwesto nila at nagtama ang na naman ang tingin namin ni Scarlett. Inaantay ko ang pag-iwas niya ng tingin pero hindi niya ginawa kaya ako na lang ang umiwas at tumayo na para pumunta sa kanila.

"Oh, kids! Say hello to Doktora Jasmine," May malawak na ngiti sa labing baling ni Kuya Kayle sa mga bata nang makarating ako kung nasaan sila.

"Hello, Doktora ganda!" Sabay-sabay na sabi ng mga bata bago mag-tawanan.

I giggled as I looked at them. The kids look so lovely. "Hello!" I waved my hands.

"Taya-tayaan tayo! Ako taya! One! Two! Three, takbo!"

On The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon