CHAPTER 12

7.9K 257 8
                                    

In the middle of anger, pain and I don't know.. I still found myself being relieved after she confessed that she loves me too. I know it's wrong. Definitely wrong. But I know here… deepest in my heart and soul that I'm happy to know that our feelings are mutual.

After all mahal ko pa rin naman kasi talaga siya na pilit ko na ring kinalimutan kasi nga mali at may Allison na rin ako. Pero pilit ko mang itanggi o hindi pansinin alam kong nagagalak ako sa nalaman ko.

Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa bibig ko bago tinungga ang beer na hawak-hawak ko. Madilim na kapaligiran ang bumabalot sa akin ngayon. Tanging mga ilaw lang sa kalsada sa baba at mga katabing gusali ang nagsisilbing liwanag ko dito sa rooftop ng hospital.

Wala pa ako sa wisyong umuwi kaya naisipan kong tumambay na muna dito at uminom ng kaunti kagaya ng lagi kong nakasanayan sa tuwing gulong-gulo ako sa takbo ng buhay ko. Sa nangyaring usap sa pagitan namin ni Jasmine kaninang umaga ay hindi katanggi tangging gumulo nga na naman talaga ng sobra ang isip ko.

Hindi ko kasi maisip kung ano nga ba talagang pakay niya, e.. Una bumalik na lang siya bigla na para bang walang nangyari. Pangalawa naman ay ito ngang ginawa niyang pag-amin sa akin bigla na mahal niya 'ko. Hindi maintindihan kung anong gusto niya, e. Hindi ba malinaw sa kanya na nakatali at ikakasal na 'ko kay Allison?

Bakit ba all of the sudden bigla na lang siyang susulpot ng ganito para mang gulo?

Nag-uumapaw ang mga katanungan sa isip ko pero kahit isang tanong ay hindi ko rin masagot o mahanapan ng tamang sagot. Napabuga ulit ako ng malalim na buntong-hininga.

"That was so deep,"

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng may bigla na lang magsalita sa likod ko. Nakahawak sa dibdib ko itong nilingon dahil tinawanan pa 'ko sa pagkakagulat ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kuya! Bakit ka ba nang gugulat?" Singhal ko dito na lalo niyang ikinatawa.

"Yan! Kape ka kase ng kape," Biro nito at naiiling na lumapit at tumabi ng tayo sa akin.

Kunot noo ko naman itong tiningnan. Halata na ang pagod sa itsura niya pero parang ang gaan-gaan pa rin ng mundo kung ngumiti siya. Naka usual attire niya ito pero nakatupi na hanggang siko ang sleeves ng polong suot-suot niya. May pagka-gulo na din ang buhok nitong palaging nakaayos pero hindi naman pangit tingnan dahil iilang hibla lang naman ang nahulog. Natural kaseng bagsak ang buhok nito, lagi lang siyang naka wax kaya anlinis tingnan.

"What are you doing here? Ba't 'di ka pa nauwi?" Tanong ko at iniwas ang tingin.

"I came to your office. Yayain sana kita mag-dinner kaso pagpunta ko sa office mo wala namang tao pero nakita ko nandun pa yung mga gamit mo and kaya naisip ko na baka nandito ka na naman at tama nga ako." Sabi niya habang isa-isang nilalabas ang laman ng brown paper bag na hawak-hawak niya mula pa kanina ng dumating siya dito.

Nagulat naman ako ng bigla nitong kunin ang canned beer na hawak ko at pinalitan iyon ng cornetto. "Umiinom ka na naman hindi ka pa nga kumakain. Scarlett, hindi mo talaga iniingatan 'yang sarili mo, ah," Pagpapagalit nito sa akin.

"Minsan lang naman, e," Pangangatwiran ko pa at sinimulan ng balatan ang ibabaw ng cornetto.

"Scarlett, yang paminsan-minsan na sinasabi mo may masamang effect pa din yan sa physical health and internal organs mo." Hindi ko na napigilang hindi mapatawa ng mahina dahil sa narinig.

"Parang si Mommy ka na, kuya," Wika ko na ikinatawa niya rin.

"Ang kulit mo kase, e,"

Kapwa kami natahimik sa mga nagdaang segundo. Perahas kaming tahimik na kumakain lang ng ice cream habang paharap na nakasandal sa malamig na pader na nagsisilbing railings nitong rooftop at pinagmamasdan ang taglay na kagandahan ng syudad.

On The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon