CHAPTER 08

8.4K 276 9
                                    

J A S M I N E    B R E I    C L A Y T O N



Napunta sa pinto ang atensyon ko ng marinig ko ang mumunting katok mula sa labas nito. "Come in,"

Agad naman na pumasok ang kumakatok. Si Nurse Zamy.

"Doc, remind ko lang po yung rounds niyo ngayon sa ward." Mahinahong pahayag nito sa akin at nagpaskil ng magaang ngiti sa labi.

Mula kanina ng magpakilala ito sa akin ay talaga napakagan na ng loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil na rin sa magaan niyang aura. Palagi kasi siyang nakangiti.

Sinuklian ko din ang ngiting iginawad niya. "Okay, thank you for reminding me, Nurse Zamy," Magiliw naman itong tumango at nagpaalam na muli na siyang lalabas.

Sa muling pagsara ng pinto ay unti-unti ding naglaho ang ngiti sa labi ko at napabuntong-hininga sa kinauupuan ko. Sobrang gulo ng isip ko ngayon. I have thousands of thoughts. Thousands of what if's… There's a lot inside of my head to the point that I can't cope with it anymore and any time soon my thoughts might explode.

The meeting earlier. Hindi ko alam kung ikasasama ba ng loob ko yung nangyari sa meeting kanina o tanggapin na lang sa sarili ko na galit talaga siya sa akin kaya ganun ang asta niya. Pero kase hindi ko maisip ang dahilan kung bakit kailangan niyang isampal sa mukha ko na hindi na niya ako kilala kahit na may magandang pinagsamahan naman kami noon. Aminado naman ako na kasalanan ko pero pwede bang 'wag naman ganito ang iganti niya sa akin?

Idagdag pa ang nangyari ring pagkain namin sa labas kasama si Allison kanina. Sobra sobrang pagtitiis at pagpapanggap ang ginawa ko kanina habang kasama ko silang dalawa. Hindi ko nga alam kung sa'n nga ba ako kumukuha ng lakas na ngumiti pa rin at masayang makipag-kwentuhan kay Allison kahit na lubus-lubusan na 'kong nasasaktan sa loob loob ko.

Sa bawat pag-iwas ng tingin ni Scarlett sa tuwing magtatama ang mga mata namin. Sa tuwing makikita ko silang magkahawak ng kamay ni Allison. Yung mga kwento ni Allison tungkol sa kanilang dalawa at yung sing-sing na nakasuot sa daliri ni Allison. Lahat yun. Lahat-lahat ng yun dinurog ang ako at ang puso ko.

Ansakit sakit pero wala akong magawa kundi ngumiti na lang at magpanggap na masaya ako sa mga nakikita at naririnig ko kahit ang totoo ay gustong gusto ko na lang mag-takip ng mata at tenga ko para hindi ko na makita at marinig pa ang mga bagay na yun.

Everyone says love hurts, but that's not true. Loneliness hurts. Rejection hurts. Losing someone hurts; envy hurts. Everyone gets these things confused with love, but in reality love is the only thing in this world that covers up all pain and makes someone feel wonderful again. Love is the only thing in this world that does not hurt.

Love shouldn't be exhausting. It shouldn't leave you feeling stressed out, less than, and unappreciated. Love is supposed to be free, natural, a release from the monotony and routines of life. Love won't leave you drained, it won't leave you depressed, lost, or distraught. Love is a healer, love is a friend, love is a protector. Loving isn't easy, it's a challenge, but when it's good, it's a treasure. Real love won't break you, it will build you. It will bring out the best in you.

And I can see Allison as a real love for Scarlett. It hurts but honestly she's the best for Scarlett. She's good and I can see all the sincerity in her eyes. She really loves my Scarlett at sa tingin ko ay wala na akong magagawa dun.

Mukhang sila na talaga ang para sa isa't isa ano pang laban ko dun 'di ba? Siguro ang tangi ko na lang na magagawa ngayon ay bawiin ang pinagsamahan namin noon ni Scarlett at ayusin ang ngayon.

I should move on. Wala ng patutunguhan 'tong nararamdaman ko para sa kanya dahil mukang handang-handa na siyang bumuo ng pamilya kasama si Allison at hindi ko na dapat pang guluhin at hadlangan 'yon. Dapat akong maging masaya at sumuporta na lang sa kanila.

Matapos kong makabangon mula sa malalim kong iniisip ay tumayo na ako at dumiretso agad sa pinto ng aking opisina upang lumabas na dito. Nagulat naman ako ng may biglang sumulpot sa tabi ko at sinabayan ako sa paglalakad.

I looked at it and I saw Nurse Zamy again. "Hello ulit, doc!" Magiliw na bati niya ulit sa 'kin.

"Nurse Zamy, para kang kabute na sumusulpot na lang bigla," Pabirong sabi ko.

Napakamot naman ito sa pisngi niya at nahihiyang tumingin sa akin. "E, Doc kanina pa kita inaantay kase nga po ako ang sasama sayo sa rounds mo. Nagbaba kase ng memo ang board na ako raw ang mag-guide sayo dito habang nangangapa ka pa." Pagpapaliwanag niya.

"Ayos lang sayo? Baka naabala kita, ah," Nangangambang tanong ko rito habang patuloy kaming lumalakad.

She nodded and smiled. "Yes naman, Doc! Walang kaso sa'kin 'to! Masyadong maliit na bagay!" Tumango at nag-thumbs up pa siya kaya napahagikgik ako.

"Well, I thought si Nurse Lusy assistant ko?"

She clicked her tongue and scratched her right brow lightly. "'Yun nga, Doc. Nakipag-swap nga sa 'kin. Nahihiya daw kasi siya sayo kaya ayun mas gusto niya na lang daw kay Dra. Lee kaya pumayag na lang ako,"

"Masungit ba si Dr. Lee?" Tanong ko.

Naguguluhang tiningnan naman ako nito. "Hindi naman, Doc. Actually, masayang kasama si Dr. Lee sa trabaho. Ba't mo naitanong, Doc?"

"Parang ansaya-saya mo pa kasing nakipag-swap si Nurse Lusy sayo. Akala ko tuloy masungit si Dr. Lee at ayaw mo sa kanya."

Napaismid at napangiwi naman ito sa sinabi ko. "Doc, ang judgemental mo! Mabait si Dr. Lee. Sadyang nagmakaawa lang sa'kin si Nurse Lusy, kaya wala na 'kong nagawa at saka feeling ko rin mag-eenjoy ako kasama ka, e," Natawa ako ng kindatan ako nito pagkatapos ng huli niyang sinabi.

Sumulyap ako sa wristwatch ko para tingnan ang oras. Malapit na rin mag-lunch pero marami din akong patients na nakikita kaya paniguradong hindi na naman makakapag-lunch ng on time ang ibang mga Doctors and other hospital staffs.

"Kumain ka na, Nurse Zamy?"

"Ay, si Doc pa-fall!" Biglang hirit nito na ikinamaang ko naman. "De joke lang, Doc. Kanina nung kumain kayo nila Dr. Scarlett, sumabay na rin ako ng kain kanina sa canteen kasi wala ka pa naman, e," Napatango ako sa naging sagot niya. "Kamusta pala eat out niyo, Doc? Ambait ni Ms. Allison, noh?"

Mapaklang napangiti naman ako sa narinig kong biglaang tanong niya.

"Yeah… She's kind and… sweet." Mahina kong sagot.

"Doc, swerte nila sa isa't isa, noh? Kahit na same gender sila bagay na bagay pa rin."

Nilingon ko si Nurse Zamy at nakita ko ang malawak na ngiti nito sa labi habang nagsasalita na para bang hangang hanga siya sa relasyon ni Scarlett at Allison. Siguro kung wala rin akong nararamdaman para kay Scarlett ay maski ako hahanga din sa relasyon nila. Masyadong perfect match kung titingnan.

"Yes.. they are both lucky to have each other…" Mapait akong napangiti.

Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa ward. Ito ang facility ng hospital kung nasaan ang mga patient na hindi kayang magbayad ng private room o yung iba naman ay nasugatan lang ng minor at kailangan lang gamutin ang sugat.

Iniikot ko ang paningin ko sa paligid hanggang sa makita ko siyang may kausap na patient at mukhang chinecheck niya ito sapagkat suot-suot niya ang stethoscope niya habang kinukumpas ang kamay niya sa ere na sinusunod naman ng patient sa pag-inhale and exhale.

Ilang segundo ko din siya tinitigan bago ko binaling ang atensyon ko sa dapat kong gawin. After ng ilang minutong pagchecheck ko sa mga patients ay lahat kami natigilan ng may batang tumatakbo at tinatawag si Scarlett, kaya napatingin kaming lahat sa bata.

A cute little boy.

On The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon