6

18 4 0
                                    

Kabanata 6: Our First Argument

Mag-aacquaintance party na ang Alveolar City High School! Kaya naman kung usapang busy lang ang magiging topic, ako na nga siguro ang pinaka-busy at stressed na babae sa buong school.



Pano ba naman kasi, sa akin lang naman ipinagkatiwala ang magiging performance ng section namin. Sanay naman na ako na ganito ang role ko lalo na't alam nila ang talent ko. Pero may mga nangyari pa kasi before, sa mismong araw ng acquaintance party, at after nito na muntik ng magpasabog sa utak ko.




2 weeks before ng party, inanunsyo ng President at Vice President ng student council ang tungkol dito sa classroom namin. Nang pumasok sila, talaga namang pinabigat ng dalawang lalaki mula sa STEM ang aura sa loob ng Section Yellow. Nagchichikahan kami nun ni Gracie at missing in action naman ang lahat ng mga kaibigan namin.


Habang nag-aanunsyo sila, nakipagbulungan ako kanila Gracie kahit na nasa pinaka-unahang row kami ng upuan. Hindi ko kasi alam na si Zoren Lloyd Macapagal, ang most popular guy ng STEM na future valedictorian ng aming batch pala ang nanalo bilang president ng SSG last year. Kalaban niya noon ang galing naman sa strand namin na si Orly Cometa na talaga namang binigyan ko ng 100% kong suporta.



"Huh? Talaga? Hindi mo pala alam?" Gulat na tanong ni Gracie. "Taga dito ka ba talaga? O taga ibang planeta?"



"Seryoso nga! Wala akong balita!" Sinulyapan ko si Macapagal na patuloy pa rin sa pagsasalita sa harapan. "Hindi naman kasi siya yung binoto ko. Diba tumakbo si Orly last year? Siya yung binoto ko kaya akala ko siya ang nanalo."



"Wow naman. Gano ba karami ang boto mo para sureball na panalo si Orly?" Nginuso niya si Macapagal bago sumimangot. "Atsaka, hindi naman talaga malabong manalo yang si Zoren dahil mas maraming kakilala siya sa buong school kaysa kay Orly."



"Hoy Gracie! Kilala din kaya si Orly sa school!"



"Kilala nga pero mas famous pa din si Zoren!"



"Hay nako! Bakit ba pinipili ng mga estudyante ang famous? Eh mas bagay naman si Orly na maglead dahil mas approachable siya kaysa kay Macapagal. HUMSS din siya kaya mas magaling siya magsalita." Tumaas ang kilay ko at hinampas palayo ang kamay ni Gracie nang paulit-ulit niya itong kurutin.



"Ano ba Gracie? Wag mo nga akong kurutin at sabihin mo nga sa akin ang totoo! Binoto mo siguro yang si Macapagal no? Aba naman, hindi na tayo friends kung magkasalungat naman pala-"



"Deduction of points for Ortiz and Cadenas for not listening to the SSG's announcement."



Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kong nakatayo na pala sa harapan namin si Macapagal. Napalunok ako at alanganing ngumiti bago naghanap ng matitignang bagay dahil hindi na ako mapakali.



"Sorry po Maca-este Zoren-este! Mr. President. Hindi na po mauulit promise!" Kinagat ko ang labi ko at pumikit ng mariin habang nakayuko. Sandali ko namang sinulyapan si Gracie at nakita siyang nakangiti habang nakacross arms at nakatingin kay Zoren.



"Naks! Iba ka talaga Zoren! Mukhang tama nga talagang ikaw ang nanalo bilang president." Napakurap ako at sumulyap din kay Zoren na sandaling umangat ang gilid ng labi.



"Hindi ka pa rin nagbabago Gracie."



"Oo nga! Magaling ka pa rin talagang maglead ng estudyante!" Hindi ko alam kung bakit pinagsisipa ni Gracie ang paa ko habang patuloy pa rin siya sa pagsasalita. "Matalino pa at masipag! Magaling ka ring magdisiplina! Kaya naman ikaw talaga ang perfect na presidential candidate!



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now