49

0 0 0
                                    

Kabanata 49: I Miss You

"WAG TATAY!"



Kaagad na nawala ang atensyon ko kay Duke at napunta sa dalawang taong pumasok ng warehouse. My mouth parted and I was really surprised to see Poli who is now pushing his Mom on her wheelchair.



Tatay?



"Ysabelle... P-Poli anak ko..."



Anak ko?!



Ilang beses akong kumurap at sinubukang i-picture out ang mukha ni Renzo sa tabi ni Poli. And I really snapped the hell out of me nang mapansin ko na ang napakalaking resemblance ni Poli sa Tatay niya.



It is really a cruel yet small world after all.



Nakahinga ako ng maluwag ng lumuwag na ang pagkakasakal sa akin ni Renzo. I also felt that his grip on the gun loosened kaya naman nakaisip kaagad ako ng paraan para makalaya kay Renzo kung sakaling magkagulo gulo na.



"Bakit niyo po ba ginagawa to Tay? Wala pong masamang ginagawa sila Tita Sunny at Ate Sunshine!"



"Oo! Wala silang masamang ginagawa ngayon pero may masama silang nagawa sa akin noon!" Natulala ako sa kawalan nang maramdaman ko ang pagsisimulang umiyak ni Renzo. "Hindi mo ba alam kung anong ginawa sa akin nitong si Sunshine?! Siya at yung lintek na kaibigan niya ang nagpakulong sa akin! Sila ang naging dahilan kung bakit tayo nagkahiwa hiwalay Poli!"



Poli and her mom looked at me and to Hanson. We don't know if we should say sorry to both of them. They've been through a rough time because of us, specially because of me.



Kung nagpaholdap lang siguro ako ng araw na yun, walang magiging problema. Poli and her Mom might be living with their house's father, all of us might be well, at walang nangyayaring gulo sa bodegang ito na hindi ko alam kung nasaang parte na ng Alveolar.



"At ang pvtanginang Sunny na yan?! Siya ang dahilan kung bakit naging baldado ang Nanay mo! Siya ang dahilan kung bakit tayo naghirap, at patuloy pa ring nahihirapan dahil sa kondisyon-!"



"Tama na Pio."



"Bakit mo ako pinapatigil Ysabelle?! Karapatang malaman ng anak natin kung gaano kasamang tao ang Sunny na yan!"



Poli's Mom smiled and let her wheelchair roll closer to us. He held her husband's free hand at dahil dito, naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ni Renzo sa akin.



"Hindi siya masamang tao Pio. Mali lang ang pagkakaintindi natin sa kanya dahil katulad natin, naduwag lang si Sunny."



"Hindi... Hindi... Hinding-hindi ako maniniwala sa mga sinasabi mo Sunny! Binrainwash na kayo ni Poli ng mga taong to!" Tinanggal ni Renzo ang kamay ng asawa niya bago ako muling hinila palayo sa kanya. "Ilang taon akong nagtiis sa kulungan at nagplano para magawa ko ang bagay na to. Kaya naman gaganti pa rin ako! Igaganti ko pa rin ang pamilya natin Ysabelle!"



Naiintindihan ko na si Renzo. Isa lang siyang ama ng tahanan na pinagkaitan ng oras na kasama sana ang pamilya niya.



"Wala ng point para maghiganti Tatay!" Si Poli naman ang humakbang palapit. "Napatawad na namin si Tita Sunny. Nakalabas ka na ng kulungan. Sarili mo nalang ang sinisira mo sa mga maling desisyon mo sa buhay!"



Dumaloy na ang luha sa mga mata ni Poli. And I could tell that he's really in pain right now that pinched a part of my heart.



"Ang tagal ka naming hinintay ni Nanay. Kahit na hindi ka namin dinalaw sa loob ng maraming taon, umasa kaming babalik ka na wala ng galit sa puso mo. Umasa kaming magbabago ka pagkalabas mo ng kulungan. At umasa kaming mas magiging mabuti ka ng asawa kay Nanay at Ama naman para sa akin. Pero anong ginagawa mo ngayon Tay? Inuulit mo nanaman ang mga mali mo!"



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now