44

2 0 0
                                    

Kabanata 44: Escape this Nightmare

If someone would ask me what will be the most awkward moment that I've had in my entire life, I would definitely say this moment as an answer.



Tahimik lang kaming kumakain ni Hanson ng hapunan dito sa hotel room na pinareserve niya. Malapit na nga akong mabingi dahil ni isang salita ay wala na akong narinig simula ng pumasok kami dito sa room.



I couldn't tell if he's mad at me for misinterpreting my expression earlier. Mukhang tingin niya talaga, wala akong tiwala sa kanya. Pero hindi naman talaga tungkol sa trust issues ang desisyon ko kanina kung hindi tungkol sa magiging atmosphere namin kung kami lang ang magkasama.



Napabuntong hininga ako bago inubos ang natitirang pagkain ko. Padabog akong tumayo at tinitigan siya habang umaasang titingin din siya sa akin ngunit hindi niya naman ginawa.



"I'm done eating. Magshoshower muna ako."



Padabog ulit akong naglakad papunta sa bag ko para kuhain ito bago ako dumiretso sa cr. Matagal akong naligo para palamigin ng tuluyan ang ulo ko. Ayaw ko kasing may masabi akong masama dahil wala naman akong ibang pupuntahan ngayon kung sakaling bumigay ang kamalditahan ko.



Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin, lumabas ako ng cr at nakita si Hanson na nakatigin sa labas ng glass door na papunta sa veranda. Ilang minuto ko siyang tinitigan sa ganoong pwesto bago niya ako nilingon at nginitian.



Himala! Nagbago ata ang ihip ng hangin?



"Tapos ka na?"



"Yeah."



Simpleng sagot ko dahil naninibago pa rin talaga ako sa sudden change of mood niya. Ngunit hindi ko nalang siya pinansin at umupo muna ako sa gilid ng higaan, yumuko at nagpatuyo ng buhok ko gamit ang towel.



Hindi pa ako nakakatapos magpatuyo nang bigla namang may tumawag sa cellphone ko na nakacharge ngayon. Maaabot ko lang ito mula sa pwesto ko kaya naman kinuha ko ito at tinignan kung sinong tumatawag.



"Oh my gosh."



Napalunok ako nang makita na si Duke pala ang tumatawag. I accidentally turned on the wifi earlier that automatically connects to the free wifi of the hotel. Kaya naman ngayon ay tumatawag siya sa akin through messenger while asking for a video chat.



Nataranta ako kung anong gagawin ko. Siyempre! Kasama ko ngayon si Hanson sa isang hotel. I don't want him to misunderstand the reason kung bakit kami magkasama ngayon.



Nilapag ko ang cellphone ko sa higaan at tahimik na hinintay kung kailangan mageend ang call. Napansin ni Hanson ang pagkataranta ko kaya naman lumapit siya sa akin at tinanong kung anong problema ko.



"Si Duke kasi... Tumatawag." Napangatngat ako ng kuko ko bago ko muling sinulyapan ang cellphone ko. "Ayokong ma misunderstand niya yung reason kung bakit tayo magkasama ngayon."



Sumilay ang ngiti sa labi ni Hanson bago siya umupo sa tabi ko.



"Just explain to him that we have no choice left but to stay here at the hotel dahil sa landslide. Wala naman tayong kailangang itago so just be honest."



Tinitigan ko siya nang abutin niya mula sa gilid ko ang cellphone at ilagay ito ng maayos sa kamay ko. Hindi ko pa rin magawang sagutin ang tawag ni Duke kaya naman niyugyog ni Hanson ang balikat ko.



"Hey kumalma ka nga! If you're too uncomfortable about this, I'll just keep my mouth shut." Umakto siya na izinipper ang bibig niya. "Hindi din ako magpapakita sa camera. Okay lang ba yun sayo?"



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now