5

15 5 0
                                    

Kabanata 5: Friends Quarrel

"Cheers tayong lahat para sa pagtungtong sa Grade 12!" Sabay sabay naming itinaas nila Syrene, Serene at Vince ang mga baso naming may lamang coke sa ere.



"Cheers!"



Biglang nagkayayaan kaming tatlo na kumain sa labas ngayong weekend. Kaka start pa lang naman ng klase kaya naman gusto naming magcatch up sa mga nangyari sa amin noong summer bago pa kami maging busy. Hindi naman kasi kami nakapag-usap ng maayos nung celebration para sa pagkapanalo ko.



Sabay sabay na naming inatake ang mga pagkain na kinuha namin sa buffet table. Kami na ata ang pinakamaingay na table dito sa loob ng restaurant dahil hindi naman maubusan ng mga kwento. Oras ata to para mahiya pero wala naman ata ako nun sa katawan.



"Uy Sunshine, bakit nga pala di mo sinama si Ouie?"



Punong-puno ang bibig ni Syrene ng pagkain habang nagsasalita. Napasimangot naman ako agad sa tanong niya at marahas na kinagat ang hawak-hawak kong chicken.



"Wala! Baka nakalampas na sa gate ni San Pedro o natapilok sa impyerno kasama ang mga demonyo!"




Tinawagan ko si Ouie kahapon para sa gala ngayon. Pumapayag naman talaga siya kapag may gala kaming magbabarkada. Ewan ko ba kung anong klaseng saltik nanaman ang dumikit sa isang yun ngayon at sinabing busy siya.



"Galit ka? Jowa ka ba? Jowa para i-priority niya?"



Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Vince at sa mapang-asar na tingin na ibinibigay nila ngayon. Hindi ko talaga alam kung bakit masyadong ma-issue ang mga to. Alam naman nilang matagal na kaming magkaibigan ni Ouie.



"Jowa lang ba pwedeng magalit? Bantayan mo bibig mo Vince at baka may masabi akong ikakahiya mo."



Ngumiti ako ng matamis na naging dahilan ng pamumutla ni Vince. Humagalpak naman ng tawa si Serene habang si Syrene naman ay napakurapkurap.



Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ng halos tatlong oras ay kaagad kaming naghiwa hiwalay dahil pinapauwi ng maaga ang kambal. Si Vince naman ay may kailangan pang puntahan para sa project nila. Nagpaiwan na muna ako sa loob ng mall at naglibot hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa arcade.



Nakapila pa lang ako sa bilihan ng token sa arcade nang mahagip ng mata ko ang dalawang pamilyar na tao sa hindi kalayuan. Agad tuloy akong napahinto para titigan sila ng maayos. Pero mukhang naging mali ata ang desisyon ko kasi nabadtrip lang ako sa napakagandang araw na to.



Aba? Sinong busy? Sinong maraming ginagawa?



Si Emily na nga ata ang kinabubusy-han ni Ouie ngayon. Pero hindi ba pwedeng sabihin niya nalang sa akin ng diretso ang dahilan niya? Hindi yung gumagawa pa siya ng kasinungalingan?



Psh. Bahala sila. Bahala na ang kapre sa buhay niya! Good luck nalang sa kanilang dalawa.



"Apat na token po, Kuya."



Inabot ko ang baya sa nagbebenta bago pumasok na sa arcade para makalimutan ang nakita ko kanina. Naramdaman kong namawis kaagad and kamay ko dahil sa excitement habang nililibot ang tingin ko sa mga pwedeng mapaglaruan. Madaming mga ka edad ko lang ang nandito pero mostly ay kasama ang mga jowa nila.



Kung pagpipicturan ko kaya tong mga to para masumbong sa mga nanay nila?



Naglakad ako papunta sa mga claw machine at naghanap ng machine na may magandang stuff toy. Napangiti ako ng makakita ng mga stuffed toy na sisiw at kaagad na naghulog ng isang token.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now