48

0 0 0
                                    

Kabanata 48: Small World

"Hoy bata."



"Pvtangina! Ang ingay! Ano nanaman bang kailangan mo?!"



Hindi mapigilang umangat ng magkabilang gilid ng mga labi ko nang makita ko ang reaction ng bata. Siyempre, sino pa bang bata ang tinutukoy ko? Kung hindi tong bata na palagi atang may mainit na tubig na pinapakulo sa ulo.



A couple of minutes have already passed since Renzo went out of the warehouse with Hans Miranda. But before that, Renzo was able to notice that man's surprised look on his face when our eyes met. Hindi ko alam kung bakit hindi siya umamin na kakilala niya ako, na kaibigan ng anak niya si Duke, o dati niyang asawa si Nanay to Renzo who seems like they were really good friends.



Well, hindi ko naman alam kung anong tumatakbo sa isipan ng isang kriminal na ex-convict. So I'll just think of a plan to escape this sh*t.



"Ano munang pangalan mo?"



"Seryoso?! Kanina mo pa ako kinukulit tapos yan lang ang itatanong mo?!" He gritted his teeth and went closer to me. "Ta-e. Tae ang pangalan ko, DJ Sunshine."



"Ang panget naman ng pangalan mo. Mahal ka ba talaga ng Nanay mo?"



"Sunshine..." Napalingon ako sa gawi ni Nanay na mabagal na umiiling sa akin. Isang pagsenyas para tigilan ko ang pinagsasabi ko.



"Psh. Isko ang pangalan ko." Inirapan niya ako bago siya bumalik sa pagbabasa ng isang diyaryo. "Francisco. At FYI, mahal ako ng Nanay ko."



"Okay. Whatever. Pero bakit mo ba ginagawa to? Bakit mo ba tinutulungan si Renzo?"



Ilang segundo kong hinintay ang sagot niya bago niya nirolyo ang binabasa niyang diyaryo at hinarap ako.



"Balak mo ba akong suhulan para lang makatakas kayo?" Tumawa siya ng malakas bago niya pinukpok sa ulo ko ang diyaryo. "Kahit na bayaran niyo ako ngayon ng isang daang libo, hinding-hindi ko kayo papatakasin dito."



"Pero paano kung isang milyon?"



Automatiko akong napalingon kay Nanay dahil sa sinabi niya. She looks so serious about giving that offer to this young guy.



"Sapat na ang isang milyon para makaalis ka ng Alveolar, makabili ng maliit na bahay, kotse, at makapagtayo ng negosyo para mapalago pa ang pera mo. Hijo, handa akong ibigay sayo ang isang milyon na kayang magpabago ng buhay mo. At yung isang milyon na to, hinding-hindi maibibigay ng Renzo na yun."



Isko looks so tempted with Nanay's offer. But he tried to maintain his poker face before hitting Nanay with his newspaper.



"Hoy tanda. Parang hindi naman ata sapat ang isang milyon na yan para patakasin ko kayong tatlo." Muli niyang hinampas si Nanay, ang ulo ko, bago niya tinuro ang kwarto kung saan nila kinulong si Duke na para bang nagbibilang. "Isa... Dalawa... Tatlo! Kung tatlo kayong papatakasin ko, edi tatlong milyon dapat ang ibibigay niyo!"



"Nasisiraan ka na-" Nanay gave me another look to stay quiet.



"Sige. Tatlong milyon. At agad kong ibibigay yun sayo kapag ligtas kaming nakatakas dito."



"Paano naman ako makakasigurong babayaran mo talaga ako, tanda?" Nanghahamon ang tono ni Tae habang nakangiti ng mapang asar. "Baka naman nagpapanggap ka lang at wala ka namang ganun kalaking pera-"



"Nagpapanggap?" Elegante namang tumawa si Nanay. "Hindi ka ba maniniwala na nagpapatakbo ako ng biggest publishing company dito sa Pilipinas, pinakamalaking flower farm sa Lachlane, at isa ako sa mga highest paid journalists ng bansa?"



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now