1

39 9 65
                                    

Kabanata 1: Genie in a necklace

Eksaktong alas 4 ng umaga nang dumilat ang mga mata ko. Hindi ako nakatulog ng maayos at para bang nagka insomnia dahil sa kakaisip na pasukan na ngayong araw.



Kailangan ko nanamang matulog ng maaga, gumising ng maaga, at gumawa ng sandamakmak na school works lalo na ngayong Grade 12 na ako. Shuta. Last year ko na sa high school at sa loob ng ilang buwan ay magcocollegena ako kaya kailangan ko ng magsipag!



Dear Lord at lahat ng mga santo. Nawa'y pakisamahan ako ng utak at brain cells ko ngayong school year.



"Sunshine anak. Ayos ka lang ba?"


Papikit na sana ako ngunit pilit kong kiinurot ko ang braso ko para tumingin kay Tatay na katabi ko at minamaneho ang jeepney namin. Palagi niya akong inihahatid sa eskwelahan para mamasada na rin at the same time.



Nakita kong nataas ang isang kilay niya ngayon habang pabalik balik ang tingin sa akin at sa daanan.



"Ayos lang ako Tatay. Hindi lang po talaga ako nakatulog ng maaga." Pagkatapos ko magsalita ay nagpakawala naman ako ng isang malakas na hikab.



"Yan! Facebook ka kasi ng facebook. Wala ka ng ibang inatupag!" Nahihiya akong ngumiti at nagpeace sign.



Kilala na talaga ako ni Tatay. Nagsisisi na tuloy ako na panay ang scroll at pagshare ko ng mga memes kagabi!



Lumingon na ako sa bintana at tinignan ang napakaraming mga sasakyan sa kalsada. Mukhang mauumay nanaman ako sa ganitong scenery na makikita ko araw-araw. Dahil balik eskwela ay mas gumugulo nanaman ang mga daanan ng Alveolar at sumisikip na ang mga daanan.



Kinurot ko ulit ang sarili ko ng maramdaman kong mapapapikit nanaman ako. Mapapagalitan ako ni Tatay nito kapag nagpatuloy pa tong antok ko.



Kaya naman para magising ako ay pumasok ang isang kalokohan sa isip ko.



Operation: Maghanap ng mapagtitripan sa kalsada!



Halos araw-araw ko tong ginagawa nung nakaraang school year. Pipili lang naman ako ng biktima sa mga tao sa tabing daan na papakitaan ko ng nakakatawang expression or magpapacute.



So far, wala naman akong nakakasalubong ulit na nagiging biktima ko.


Nang mag green light na ay humanap na ako ng una kong biktima sa mga taong naghihintay ng masasakyan sa tabi-tabi. Pero ang daming tao! Ang hirap tuloy pumili!


Pinasingkit ko ang mga mata ko at agad na nakuha ng pansin ko ang isang lalaking nakapameywang habang may kausap sa telepono.


Ohmygas. Ang tangkad niya! Papasang basketball player o model ang height niya! At talagang napapalingon lahat ng dumadaan malapit sa kanya dahil bukod sa height niya ay gwapo din siya. Napagkakamalan nga sigurong artista ang isang to dahil sa suot niyang puting polo at shades.


Target Lock!


Nang mag red light na ay dahan-dahan kaming napalapit sa pwesto niya. Nilabas ko ang malaking parte ng braso ko, itinaas ang kaliwang middle finger ko pero pinalitan ko kaagad ito ng finger heart.


Mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya ng makita ako. Tinanggal niya ang shades niya para siguro makita ako ngmaayos pero itinago ko ulit ang ulo ko sa loob ng jeep habang nagpipigil ng tawa.


"Ano nanaman yon Sunshine?" Nakita ko ang sandaling pagsulyap ni Tatay sa akin na para bang naramdaman nanaman niya ang kalokohang ginawa ko.


A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now