17

20 2 0
                                    

Kabanata 17: The Lionel Bistro

Pumatak na ang alas singko ng hapon kaya naman nagpaunahan na kaming magkakaibigan pauwi ng mga bahay namin. Siyempre lahat kami ay excited na maghangout sa bistro para mapanood sila Hanson. Ngunit bago ang lahat ng iyon, kailangan muna naming magpaalam sa mga commanders ng bahay kung papayagan ba kami at para na rin magpalit ng damit namin.



Pagdating ko sa bahay ay wala pa si Tatay kaya naman sinubukan ko siyang tawagan. Pumayag naman siya agad agad ng sabihin kong kasama ko si Ouie at si Gracie. Ngunit may pabilin lang na wag daw magpapagabi lalo na't may klase pa bukas. Sabagay, papanoorin lang naman namin ang performance nila Hanson.



Nagsuot ako ng oversized shirt na baby pink at tinuck in ito sa isang black na mini skirt. Color white na sneakers naman ang pinili kong sapatos at brown leather sling bag para lalagyanan ng cellphone at ilang gamit ko. Inipit ko ang buhok kong hanggang beywang bago namulbos at naglagay ng kaunting liptint.



"Tapos na ako!" Nakangiti akong umikot sa humarap sa salamin habang nagiispray ng pabango para sa finale.



Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa entrance ng compound. Ilang minuto na akong naglalakad at inabala ang sarili ko sa pagcecellphone ng bigla akong makaramdam na may sumusunod sa akin sa likod.



Pota. Magnet na ba ako ng mga taong may masasamang balak? Tatay! Ayaw ko na nito! Huhu.



Napabilis ang paglalakad ko at napahawak sa pendant ng kwintas ko ng maalala ang kumalat sa facebook na mga taong nangunguha ng lamang loob ng mga bata.



Pota. Hindi naman siguro masamang tao ang nakasunod sa akin diba? Teka! Considered pa ba ako bilang bata?



Kumanan ako ng daanan at naramdaman kong nakasunod pa rin siya sa akin. Ilang beses na akong lumiko ngunit nararamdaman ko pa rin yung presence niya. Plano ko na sanang kumaripas ng takbo at sumigaw ng tulong ng biglang may sasakyang pumito mula sa likod.



"Ay deputa-!"



"Sunshine Ortiz!"



Lumingon ako pero agad ding napapikit ng sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa isang kotse. Nagpatuloy sa pagdadrive yung nagmamaneho ng kotse na huminto sa gilid ko habang nirerecover ko pa ang paningin ko.



"Halika! Sabay na tayo sa bistro!" Tinitigan ko yung driver ng ilang segundo na nakalusot ang ulo sa may bintana habang nakangiti at kumakaway.



"Sino ka?" Hinilod ko ang mata ko at narinig ang pagtikhim niya.



"Bakit ba kailangan kong magpakilala everytime na nagkikita tayo?" Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ang nakabusangot na pagmumukha ni Duke.



"Oy Duke! Ikaw pala yan! Long time no see!" Makikipag apir sana ako sa kanya pero lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan.



"Para ka talagang internet connection sa Pilipinas, Sunshine. Mabagal." Ngumiwi nalang ako bago sumakay sa kotse niya.



"Sorry na! Iba nanaman kasi yung hairstyle mo!"



Sinarado niya na ang pinto bago umikot sa driver's seat at nagsuot din ng seatbelt. Hindi ko naman mapigilang sumulyap sa labas para tignan kung may nakasunod pa rin ba sa akin.



"Uy Sunshine. Bakit parang takot na takot ka?" Nagsalubong ang mga kilay ko ng humalakhak siya bago nagsimula ng magdrive. "Nakakatawa yung reaction mo kanina. HAHAHA!"



A Little Bit of SunshineNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ