51

0 0 0
                                    

Kabanata 51: I Love You

"Nanay? Sinong naghatid sa akin kagabi?"



I was half closing my eyes when I came out of my room. Nakahawak ako sa ulo kong parang mabibiyak dahil sa sakit at maliliit ang mga hakbang na lumapit kay Nanay na nagluluto sa kusina.



"Oh anak! Gising ka na pala!" She approached me with a smile and kissed me on my cheek. But what she did next really woke up my veins.




"ARAY NAMAN NANAY!" Hinawakan ko ang pwet kong kinurot niya. "Bakit naman kayo nangungurot?! Anliit liit na nga ng pwet ko, pinanggigigilan niyo pa?!"



Kumuha ako ng upuan at umupo habang hinihimas pa rin ang isang pisngi ng pwet ko. I looked up at Nanay at nakita ko naman siyang nakapameywang sa harap ko bago bumuntong hininga.



"Do you still remember what happened last night?"



"Huh? Bukod sa naglasing ako, wala namang kakaibang-"



Natigilan ako nang maalala na si Hanson pala ang naghatid sa akin kagabi. I remembered him bringing me out of the bar to his car but the rest of the night? The scenes were already hazy.



"Sabihin mo sa akin Nay." Napatayo ako at hinawakan ang balikat niya. "May ginawa ba akong kabulastugan kay Hanson?!"



Sumimangot si Nanay bago ako tinalikuran at bumalik sa pagluluto niya ng sinangag. Agad naman akong sumunod sa kanya at kinulit siya ng kinulit kung anong nangyari.



Hindi ko naman talaga ugaling makalimot kapag nakakainom. But I don't know why I can't remember all those embarassing moments last night. Napaisip tuloy ako: Baka naman pinagtitripan lang ako ng Nanay kong to?



"Bahala ka. Ask Hanson if you really want to know what happened." Napailing si Nanay. "Basta napagkamalan mo siyang si Duke kaga-"



Nanlaki ang mga mata ko at napasabunot sa sarili ko.



"WHAT?!" Tinakpan ko ang tenga ko at dahan dahang napaurong. "No...NO! Not Duke!" Umangat ang tingin ko kay Nanay and started biting my nails. "I kissed Hanson right?"



Lumingon sa akin si Nanay and I was not expecting to see her with a devilish grin. Like HELLO! Napakamahinhin nitong si Nanay at parang hindi makabasag pinggan. So what will you expect?



"A kiss would be acceptable but you did other things to him. Something more that I would choose not to say." Nanay acted like she's zipping her mouth. "But don't worry, it's no big deal for Hanson."



Napaupo ako sa sahig namin and started kicking like a kid. Hindi talaga ako mapalagay dahil wala ng iba pang ibinulgar si Nanay na details sa mga nangyari sa amin kagabi. While eating, I suddenly remembered that I placed a hidden camera on my bedroom.



"ALAM KO NA!"



I rushed back to my bedroom at hinanap ang teddy bear na binili ko. I got the connector and watched the footage last night on my laptop. At talagang halos ibaon ko na ang sarili ko sa lupa sa mga nakita ko.



Lecheng Flan! Kailangan kong ayusin to!





Nagmamadali akong naligo, nagbihis, at pumunta sa mall para humanap ng magiging peace offering ko kay Hanson. Nakakita ako ng dark blue long sleeves polo na mukhang bagay sa kanya so I bought it and had it gift wrapped. I also bought some baking ingredients for the cookies that I plan to make for him too.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now