9

8 4 0
                                    

Kabanata 9: The Friends Are Sinking

Pagkatapos ng Acquaintance Party ay bumalik na ang lahat sa dati. Buong araw ng may pasok at walang ni isang teacher ang umaabsent. Dumami na ang mga projects at binibigay nilang assignments. Ang hindi lang bumalik ay ang bestfriend ko.



Ilang araw na niya akong iniiwasan at hindi pinapansin. Pagkatapos kasi ng ginawa niya noong Acquaintance ay nagbingi-bingihan lang ako sa sinabi niya hanggang sa matapos ang performance. Hindi ko naman kasi alam kung anong sagot ang ibibigay ko sa kanya dahil napakalakas ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya pati na rin sa ibinigay na tingin sa akin ni Hanson noong gabing yun.



"Huy Sunshine. Hindi pa rin ba kayo nag uusap?"



Natigil ako sa pagsubo ng magsalita si Gracie at ininguso si Ouie na nasa kabilang table. Kasama nito sina Bryle, Hanson, Japhet, Jethro, at John na nagtatawanan ngunit siya ay tahimik lang na kumakain ng lunch niya.



"Hindi pa rin eh. Tulungan niyo naman ako oh." Yumuko ako bago muling sumubo.



Natatakot na akong lapitan si Ouie dahil hindi ko alam kung galit ba siya. Sa ilang taon naming magkakilala ay mas nagfifreak out pa ako kapag nagagalit siya kaysa kay Tatay.



"Ano ba kasing binulong niya sayo nung gabing yun?" Tanong ni Happy na ikinailing ko.



"W-wala lang yun."



Hindi ko talaga ikinwento sa kanila ang tungkol sa ibinulong ni Ouie nung gabing yon. May pumipigil kasi sa aking wag mag open up sa kanila about dun.



Nahihiya ba ako? Ewan.



"Paano ka namin matutulungan aber kung hindi ka naman magsasalita?" Mataray na tanong ni Greggy na nagpakamot ng ulo ko.



"Kung hindi ka magsasalita, kami mismo ang magtatanong kay Ouie-"



"WAG!" Napatakip ako kaagad ng bibig ko at lumingon sa paligid. "Okay! Magsasalita na ako. Ang sabi niya sa akin nung party ay kung pwede niya ba akong ligawan."



"ANO?!" Sila namang tatlo ngayon ang napasigaw. Napatakip na tuloy ako ng mukha ko.



"Oh tapos? Kaya ka nag walk out?" Sabi ni Gracie na ikinatango ko.



"How dare you Sunshine? Ni reject mo aking Papa Ouie!" Binatukan naman ni Happy si Greggy ng magsimula itong magdrama.



"Anong magagawa ko? Hindi ko alam kung anong gagawin ko no!" Sabay sabay naman nila akong tinitigan.



"Wala pa bang nangliligaw sayo?!" Mabilis naman akong napahawak sa harapan ng puso ko ng makita kong pare-parehas silang gulat na gulat.



"Wow ha. Sorry! Kasalanan ko bang hindi ako ligawin?"



Hindi ko tuloy alam kung masasaktan ba ako sa sinabi nila. Ako lang ba ang hindi naligawan sa loob ng 17 years?



Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa classroom para maghanda sa susunod na subject. Nilingon ko si Hanson na as usual ay nakasubsob nanaman ang ulo sa lamesa niya. Bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot. Hindi ko na rin siya nakausap ng matino simula ng matapos ang party.



"Sunshine! May naghahanap sayo!" Tinawag ako ng isa kong kaklase na malapit sa pintuan.



"Sino?" Nginuso niya ang harapan niya at lumitaw dito ang tatlong ulo na nagpaliwanag ng mood ko.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now