8

13 4 0
                                    

Kabanata 8: The First Dance and The First Heartbreak

"Ang ganda mo ngayon anak! Dalagang-dalaga ka na talaga!"



"Ngayon lang ba ako maganda, Tay?"



"Hindi naman sa ganon. Maganda ka naman araw-araw pero iba lang ngayon."



Tumawa ako bago muling umikot sa harapan ng salamin suot suot ang isang yellow vintage dress na may floral patterns at white heels na binili ni Tatay para sa akin.



Tuloy na tuloy pa rin ang Acquaintance Party namin kahit sa masamang balita ng pagkamatay ni Zoren. Hindi na daw kasi pwedeng madelay dahil naayos na ang kabuuan ng gymnasium, nabayaran at nakapaghanda na ang catering services, at nakaset na ang sunod na magiging mga activities ng school after ng Party.




At dahil tuloy na nga talaga, umuwi ako ng maaga at nag-ayos para sa event. Nagsuot ako ng heels, naglagay ng make up at kinulot ang dulo ng mahaba kong buhok para magmukha akong makalumang tao katulad ng napagkasunduang tema na retro.



Isang beses lang akong makaka-attend ng party na to sa ACHS sa buong buhay ko! Kaya dapat ay maging maganda ako. At dapat lang na maging memorable ang bawat parte ng gabing to na pwede kong alalahanin hanggang sa tumanda ako.



"Ihahatid ba kita sa school niyo?"



"Ay hindi na, Tay! Magko-commute nalang ako!"



Ngumiti ako bago nagspray ng pabango sa buong katawan ko. Sinukbit ko na ang sling bag sa balikat ko pero bumalik ang simangot ko nang makita ko si Tatay na parang maiiyak na ewan.



Haist. Another kadramahan nanaman mula sa matanda.



"Anong drama naman to Tay?" Wika ko habang nakapameywang at nagpipigil ng tawa.



"Pasensiya ka na Sunshine. Naalala ko lang kasi si Sunny noon. Magkamukhang-magkamukha talaga kayo."



Natigilan ako ng mabanggit niya si Nanay. Kahit na ayaw kong naririnig ang pangalan niya, wala akong magagawa dahil nagdadrama portion itong aking ama. Napabuntong hininga nalang tuloy ako bago siya nilapitan at hinila para sa isang yakap.



"Nako Tay. Kung pwedeng magpalit ng mukha, papalitan ko talaga ang mukha ko."



"Pero hindi naman kayo talagang magkamukha. Mas maganda pa rin ang Nanay mo. Yung height lang talaga ang nagkakatugma sa inyo." Sinamaan ko ng tingin si Tatay pero mabilis naman niyang sinubsob ulit ang mukha ko sa dibdib niya.



Hindi nagtagal ang drama naming dalawa ni Tatay dahil baka malate na ako sa Party. Hindi naman masyadong traffic kaya mabilis lang akong nakarating sa school sakay ng isang jeep. Sa pagbaba ko pa lang napansin na halos lahat pala ng kasakay ko ay mga taga ACHS din. Pagpasok ko sa gate ay nagsalubong ang mga kilay ko ng marinig ko na may mga boses na nagsasalita na sa gym.



"Haist. Late na ba ako?"



Sa pagpasok ko sa gymnasium, agad akong namangha sa ganda ng decorations sa paligid. Ginawa talaga nilang makaluma ang lahat pati na ang mga gamit na makikita sa paligid! May mga nakasabit na plaka sa paligid at may mga lumang bagay na nakadisplay para makita ng mga estudyante.



Ngunit ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay ang stage na may silver, black, at gold ang tema. Eleganteng elegante ang itsura nito ngayon dahil na rin siguro sa magaganap na Mr. and Ms. Acquaintance Party na wala akong kaalam-alam kung sinong mga kandidata slash kandidato.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now