25

10 1 0
                                    

Kabanata 25: I'm sorry

Day 2 na namin sa Lachlane at habang nag-uumagahan ay nagkasundo kaming lahat na mag island hopping. Tsaka lang nakumpleto ang mga kababata ko dahil finally ay nakita ko na si Jonathan! Tinamad na daw kasi siyang lumabas kagabi para makipag-inuman.



Habang naghihintay ng bangka na sasakyan namin ay nag-usap muna kami. Grabe. Ang laki na din ng pinagbago sa itsura at boses niya. Pero sabi nila, tamad pa rin daw ang isang to na mag-aral at tumulong sa mga gawaing bahay.



"Wow naman Sunshine. Ang puti mo na talaga. Kutis yayamanin ka na ha!" Natawa ako ng pabiro niyang kurutin ang braso ko. "Iba talaga kapag city girl na. Takot na umitim."



"HAHAHA. Hindi naman sa takot umitim. Wala lang talaga reason para umitim." Siya naman ang ginantihan ko ngayon ng palo sa braso. "Ang laki na nito ah! Dati palito ka pa lang, ngayon pwede ka ng macho dancer."



"Siyempre naman. Kailangan ko din maging batak para makahakot ng customers." Hindi ko mapigilang humagalpak ng tawa ng magflex siya ng biceps niya sa muscle ko. "Ayos ba?"



"Para kang timang!" Hindi ko mapigilan ang tawa ko nangmagpatuloy siyang magpose ng parang si Johnny Bravo. "Hoy mukha ka ng gag*! Tama na nga-!"



"Excuse me."



Natigil lang ako sa pagtawa ng biglang sumingit sa pagitan namin ni Jonathan si Hanson na nakacross arms nanaman. Kinagat ko ang labi ko ng mariin ng sadya niyang binunggo si Jonathan na muntik ng sumubsob sa buhangin. Nanlaki tuloy ang mga mata niya.



"May problema ba sa akin yung kaibigan mo, Sunshine?" Natatawa akong umiling.



"Wag mo lang siyang pansinin." Lumingon ako at nakitang nagsisimula na silang sumakay sa mga bangka. "Uy tara na pala! Baka iwan tayo ng mga loko."



Hinawakan ako ni Jonathan sa braso at sabay kaming tumakbo palapit sa bangka. Napangiti ako ng alalayan niya akong umakyat. Naks! Dagdag pogi points yun sa babaeng popormahan niya.



Dahil kalat kalat nalang ang mga bakante ay nagkahiwalay na muna kami ni Jonathan. Katabi ko na ngayon sa upuan sina Happy at Greggy na parehas na excited na makatapak sa mga islang pupuntahan namin. First time pa lang daw kasi nila, ganun din naman ako, pero hindi naman na ako ganun ka excited dahil pare-parehas lang naman ang tingin ko sa mga dagat.



After 20 minutes ng paglalayag ay natanaw na namin ang Lachlane Group of Islands. Itong apat na naggagandahang mga isla ang dahilan kung bakit dinadayo ng mga turista ang probinsiya namin.



Una kaming tumapak sa Naked Island, isang Island na walang kahit na anong puno na makikita sa paligid. Para tuloy akong masusunog sa sikat ng araw dahil wala man lang kaming masisilungan. Pagbaba namin sa bangka ay nagpicture kaagad kami ng magkakasama.



"Hello Sunshine! Say hello to the camera!" Nanlaki ang mata ko ng biglang itapat sa akin ni Gracie ang dala niyang camera pero nakabawi din naman ako at ngumiti. Nag-aala vlogger na pala ang isang to.



"Mabuhay! Maligayang pagdating-"



"English only please! We have a lot of viewers from abroad." Ngumiwi ako sa sinabi ni Gracie.



"Hello everyone! Welcome to Gracie's channel! This is our first stop to the most visited and most loved tourist destination you can find in the municipality of Lachlane, the Lachlane group of islands." Umawang ang labi ni Gracie sa mga sinabi ko. "And we are now here in Naked Island wherein no traces of trees nor houses nor resorts can be seen."



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now