40

0 0 0
                                    

Kabanata 40: It's My Turn

Monday finally arrived at balik nanaman ako sa reality: ang pagpasok sa trabaho. Maaga akong naghanda at umalis ng unit dahil ayokong malate sa interview ng magiging partner ko for the show.



I was smiling and slightly dancing while looking at my reflection on the elevator's door. Suot-suot ko ang bago kong light pink puff sleeves dress, white sneaker wedge, and white leather sling bag. I also put light pink hair clips on both sides of my head that makes my get up look cute.



Para akong kinikilig habang pinipicturan ang sarili ko sa salamin. Gustong-gusto ko talaga ang get up ko ngayon! At ganito ako kapag gusto ko talaga ang mga damit na suot ko.



Excited tuloy akong rumampa papasok ng station while smiling and greeting my colleagues in the hallway. Dire-diretso akong pumunta sa office ni Boss Ricarlo without knocking and when I was about to greet him with full energy-



"Good morning Bo-!"



Nanlaki ang mga mata ko and almost tripped at the doorway nang makita ko ang kasama niya sa lamesa.



It was Duke Lionel Quirante who was sipping on a cup of coffee while staring directly into my eyes. He was wearing white longsleeves underneath his Dark Blue Tuxedo na may dalawang butones na nakabukas sa dibdib niya.



His hair was pushed backwards which makes him look really clean and neat. He also gave this kind of royalty vibes dahil sa suot niyang gloves na kumikinang. Hindi ko tuloy mapigilang mapatulala lalo na't bumagay sa kanya ang over all style niya.



Pero teka lang ha?! Anong ginagawa ng isang to dito?!



"Hello DJ Sunshine! Mabuti at nandito ka na!" Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Boss. "You look so pretty today! Did something good happened during the weekend?"



Awkward akong tumawa sa sinabi ni Ricarlo before giving a glance towards Duke na napaubo at biglang tumuwid sa pag-upo.



"Wala namang nangyari during the weekend, Boss. I'm always pretty naman kaya bakit parang pinapalabas mo na ngayon mo lang ako nakitang ganito?" I said that made Ricarlo laugh before motioning me to sit.



"Hoy Duke! Anong ginagawa mo dito?" Duke remained silent at nilingon si Ricarlo na lalong lumawak ang ngiti ngayon.



Kung nagulat na ako kanina, mas lalo pa akong nabigla ngayon nang ipakilala niya sa akin si Duke bilang isa sa mga applicants na posibleng maging kapartner ko sa show. Hindi ko siya nakita sa files na binigay sa akin ni Ricarlo nung Friday kaya naman kaagad ko siyang tinanong tungkol dito.



"Oh? About that. Kahapon lang kasi nagbigay ng heads up si Mr. Quirante na tutuloy siya for the interview kaya naman hindi ko nasama yung profile niya sa mga papers na yun."



Tumingin ako kay Duke and saw him playing with his hands. His mood was still unusual kahit na nung umuwi siya kahapon. This made me suddenly remember what he said last night.



"Nagpabaya ako noon and I almost lost you. I just can't do it again by not checking on you."



Ngayon alam ko na kung bakit niya sinabi yun. But this is too much!



Paano nalang ang law school niya? Ang pagpapatakbo ng business nila? I know that he's perfectly suited for this job dahil parehas naman kami ng course sa college at cum laude pa siya, pero masyadong mahirap kung dadagdagan niya pa ang mga responsibilities na kailangan niyang harapin!



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now