2

22 9 57
                                    

Kabanata 2: I Didn't Wish For This!

"Good morning Section Yellow! I'm Olivia Joyce Buenaventura and I will be your adviser for this school year!"



Good vibes na good vibes ang buong klase dahil sa bago naming adviser habang ako naman ay ilang beses na sinusulyapan ang lalaking katabi ko. Nangangati na ang bibig ko na makipag-usap sa kanya pero nahihirapan pa rin ako sa pag-absorb sa pangyayari.



Pinagtripan ko lang siya kanina, humiling ako sa kwintas, pero heto talaga siya ngayon sa tabi ko! At infairness, ang bango bango niya pa ha.



"Now lets start with the introduction, Sunshine Ortiz?" Nanlaki ang mga mata ko bago natatarantang lumapit kay Maam.



Introduction na pala! Masyado akong natulala sa bagong seatmate ko.



Sunod sunod na kaming nagpakilala. Nagsimula na ring umingay ang buong classroom dahil nagkakakwentuhan na ang magkaka-seatmates.



"Prince Hanson Miranda?" Bumalik ang tingin ko sa seatmate ko ng tumayo ito.



"I'm here, Maam."



Parang may dumaang anghel ng magsimula siyang maglakad papunta sa harapan. Kung nasa anime series siguro kami ay nagkaroon na ng stars at hearts ang mata ng mga babae. Pero siyempre! Exempted ako diba?



Nang tumigil na siya sa tabi ni Maam Olivia, agad itong napausog ng malula sa katangkaran niya. Pinigilan kong matawa ng makita ang reaction ni Maam pero mukhang na misinterpret ata yun ni boy seatmate. Nakita ko kasi kung paano umarko ang kilay niya sa angle ko na nagpaupo sa akin ng maayos.



"Good morning everyone. I'm Prince Hanson Miranda. 18 years old. I hope that all of us could be friends."





Dumating na ang lunchtime at pinili kong hindi sumama kay Ouie dahil kasama niya na ang mga boys ng classroom. Nakikipag socialize na sa wakas ang kapre sa tulong ni Bryle kaya naman thankful ako.



Pero kapalit nito, nagmistula naman akong loner habang mag-isa sa lamesa.



Dapat na ba akong umiyak? Wala naman kasing nagyaya sa akin na kumain! Bumaba tuloy ang tingin ko sa kwintas at nakaisip na subukan ko nanaman ang werpa nito.



'Dear kwintas. Hehe. Bigyan mo naman ako ng kasama dito sa table please.'



'Ang iyong pangalawang hiling ay natupad na.'



"Hi Bakla! Pwedeng makishare?"



Muntik lumabas sa ilong ko ang kanin na nginunguya ko ng makita ko sina Gracie, Greggy, at Happy na nakatayo sa harap ko. Grabe! Ang instant naman ng wish!



Parang Palawan express lang? Walang kuskos balungos?



"Woy. May pangalan yung tao!" Binatukan nila Gracie at Happy si Greggy na sumimangot bago nagpeace sign.



"Uy! Okay lang naman sa akin na matawag na bakla!" Nakangiti ko silang sinenyasan na umupo. "Sige lang! Umupo lang kayo!"



Dahil pang-apatan ang table ay umupo sa tabi ko si Greggy. Mabilis na umupo naman sina Gracie at Happy sa upuang kaharap namin at nilahad ang mga kamay nila.



Bagong friends! Ohmy!



"Hindi pa kami nakakapag-introduce ng maayos sayo. By the way, I'm Greggy ang diyosa ng grupo!" Inabot ni Greggy ang kamay niya na mabilis kong kinamayan.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now