39

0 0 0
                                    

Kabanata 39: I Hope Not

I woke up feeling extremely dizzy. Para akong masusuka at any moment kaya naman kaagad kong pinaupo ang sarili ko sa higaan ng dahan-dahan.



Ano bang nangyari?



Tama. Inatake nga pala ako ng hemophobia ko dahil sa nabasag na glass ng frame sa sahig. I lost my consciousness but while I was having panic attacks, I was with Hanson.



Napasabunot ako bigla sa buhok ko. Nakita niya na ako sa ganitong estado. Sana lang hindi siya magtanong kung kailan at paano ako nagkaroon ng ganitong klase ng phobia.



Bumaba kaagad ang tingin ko sa kamay ko para tignan ang relo ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang suot ko pa rin ito. Tatayo na sana ako nang marealize kong nakabalot na sa benda ang kamay ko habang may maliit na sulat kamay akong nakita dito.



"I'm sorry."



Lumingon ako sa paligid ng kwarto ko while trying to find any signs of him but I found none. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko pero siguro, lungkot? Hindi na galit this time dahil kahit papano, pinakalma niya naman ako bago siya umalis.



Tuluyan na akong tumayo at mabagal na lumabas ng kwarto ko. Sobrang nanghihina na ako dala siguro ng gutom ngunit napalundag pa rin ako ng bumungad sa akin ang mukha ng hindi ko inaasahang bibisita dito.



"Good evening Sunshine."



"King!" I immediately hit his shoulder. "Ginulat mo naman ako!"



King was standing right behind the door while laughing like an idiot after getting the reaction that he needs from me. Parang narinig niya atang bumangon na ako kaya naman nag-abang na siya sa harap nito para manggulat.




Ang tanda-tanda na namin pero palakas pa rin talaga ng palakas ang trip ng kapreng to.



"Wala na bang gwapong bumibisita sayo kaya ganyan ka nalang magulat kapag nandito ako?" Umangat ang magkabilang gilid ng labi ng kapre bago siya umatras ng isang hakbang paatras.



"Mali ka. Wala na kasing KAPRENG bumibisita sa akin kaya nagulat ako."



Kaagad na ang ngiti sa labi niya bago siya nagmartsa papunta sa kusina. Akala ko kung anong gagawin niya kaya naman nagdahan-dahan lang ako sa paglalakad pero nakalimutan kong may toyo pa rin pala to sa utak.



"Itatapon ko nalang pala tong ginawa kong nilagang baboy!" Nanlaki ang mga mata ko ng makitang ready na siyang itapon yung laman ng kaserola sa lababo.



"HOY! Lintek na kapre ka! Andaming nagugutom na mga bata sa Africa!" Sinamaan ko ng tingin si King at kaagad na inagaw sa kamay niya yung kaserola bago siya hinampas sa pwet.



"What the fvck?! Kailangan ba talaga na may kasamang hampas sa pwet?" Napangiwi si King before touching his butt. "Isusumbong talaga kita kay Corrine."



"Nyenye. Isumbong mo mukha mo. Mas kinakampihan niya ako, remember?"



King looked at the ceiling like he was trying to remember the past moments we had a fight. In the end, napakamot nalang siya sa batok niya bago bumuntong hininga.



"Oo na! Oo na! Kayo nalang kaya ang magjowa?"



"Oo nga no? Wala din naman akong boyfriend. Maybe Corrine and I will both click-" Natigil ako sa pagsasalita ng umakto nanaman siyang ibubuhos yung nilaga. "Joke lang naman. I'm not bisexual nor lesbian no! Iyong-iyo na yang si Corrine."



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now