24

8 1 0
                                    

Kabanata 24: Down to Lachlane

Mabilis na lumipas ang mga araw. Natapos na ang intramurals, nakapasok na si Bryle sa Bistro bilang waiter, at nagsecond grading examination na din kami. Ngayon na ang unang araw ng semestral break kaya naman pupunta na kami sa Lachlane katulad ng pinagplanuhan namin ni Ouie.



"Sunshine, makinig ka sa mga sasabihin ko."



"Opo Tatay." Nakasimangot kong in on ang voice recorder ng cellphone ko at itinapat sa bibig ni Tatay.



"Unang-una wag masyadong maglililikot sa Lachlane. Babae ka at alam mo naman na kung anong asta ng mga lalaking tambay sa Lachlane. Kung may balak kayong magtagay, kayo kayo lang nila Corrine. Kapag maliligo sa dagat, wag masyadong pumunta sa malalim dahil baka bigla ka nalang pulikatin. Iwasan niyong magkaroon ng away habang nasa Lachlane kayo kung ayaw niyong masira ang buong trip niyo-"



"Tay. Paalala lang ba talaga to o State of the Nation Address?" Pinatay ko yung recorder at nameywang sa harap ni Tatay. "Baka kahit dumating na sina Ouie eh hindi pa rin kayo tapos sa speech niyo."



"Pinapaalalahanan lang kita, anak. Alam ko na kasi kung anong sapi mo kapag mga ganitong outing."



"Ouch ouch. Oo na Tay." Ngumiwi nalang ako bago niya binuhat ang bag ko papunta sa labasan ng bahay namin.



Pahabol naman akong tumingin sa salamin para maglagay ng pulbo at kaunting liptint. Nahagip ng mata ko yung headband na binigay ni Hanson kaya naman kinuha ko ito bago nakangiting isinuot.



"Basta mag-iingat ka? Sundin mo yung mga payo ko."



"Opo Tatay. Kung gusto mo mememorize-in ko pa to sa daan eh. Magrerecite pa ako sa harap mo pagdating ko." Tinitigan nalang ako ni Tatay ng masama hanggang sa dumating na ang van nila Ouie.



"Good morning po Tito Enzo."



Lumabas ng shotgun seat si Ouie na nakasuot ng baby pink na statement shirt, black ripped jeans at white sneakers. Fresh na fresh dahil medyo basa pa ang buhok niyang nakasuklay pataas.



"Good morning din sayo, Ouie." Nakangiti ng malapad si Tatay ng kunin ni Ouie ang kamay niya para sa isang mano. Favoritism talaga to si Tatay. "Bakit yung van ang dinala niyo? May mga kasama ba kayo papuntang Lachlane?"



"Opo Tito." Automatikong nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Ouie. Sumulyap din naman siya agad sa akin bago ngumiti. "Nakalimutan ko pong sabihin sa inyo na balak kong isama yung iba pa naming mga kaibigan."



Automatikong gumalaw ang mga paa ko para buksan yung pinto ng van dahil sa excitement. Sa pagbukas nito ay bumungad kaagad sa akin si Hanson na mahimbing na natutulong. Bumagsak ang tingin ko sa may hita niya kung saan may kamay na nakapatong. Bumilog ang mga mata at bibig ko at sa muling pag-angat ng ulo ko ay napangiwi ako ng makita ko ang mukha ni Greggy na nakapatong sa balikat ni Hanson.



Ohemgee. Anong kahalayan ito?



"Ikaw na ang bahala sa anak ko-Oh. Anong meron dito?" Hindi ko na napansin na nakalapit na pala sa tabi ko si Tatay na napahawak sa baba niya habang nakatingin sa dalawang tinititigan ko.



"Ngayon ko lang nalaman na bakla din pala yang si Hanson."



Sabay kaming napaubo ni Ouie dahil sa sinabi ni Tatay. Laughtrip! Pero hindi ako tumawa ng malakas dahil baka magising ang mga sleeping beauty. Hindi nalang din namin siya binigyan ng confirmation at nagpaalam na bago niya sinara yung pintuan. Hindi ko na alam kung saan ako uupo pero ng buksan niya ulit ang pintuan ng shotgun seat ay napatango ako.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now