4

11 5 0
                                    

Kabanata 4: Victory, Friends, and Everything Nice

Hindi daw pagsasayaw, paglalaro, o iba pang extra curricular activities ang pinunta namin sa school kundi pag-aaral. Nagkakaroon ng conflict between coaches and teachers kapag napag uusapan ang tungkol dito. May mga ka squad ko at athletes kasing hindi nakakapagtake ng mga bagay na namiss nila during the lectures.



"Sir Yolo. Pwede po bang akong mag excuse sa klase niyo?"



"Bakit Miss Ortiz?"



Kinakabahan ako at halos maihi na sa palda ko habang nakatayo sa harapan ni Sir Yolo dito sa faculty. Para akong nagiimpromptu speech sa harap ng maraming tao pero kailangan ko talagang gawin to. Magaganap na kasi ang tapatan namin ni Emily mamayang hapon sa mismong time niya kaya naman inutusan ako ni Coach Chelsea na magpaalam na kay Sir kung pwede ba akong mag excuse para walang nanamang mangyaring gulo.



As usual ay nakataas nanaman ang isang kilay nito at hawak ang isang ruler. Last year ay isa siya sa mga teachers na hindi tumulong para makacatch up ang mga estudyanteng into sports and activities. Naging teacher ko din siya last year kaya naman isa siya sa mga teacher na talagang pinasakit ang ulo ko noon. Kaya naman ngayon ay kailangan ko talaga siyang makausap.



"Pipili na po kasi ng new cheerleader sa squad sa time niyo. Isa po ako sa mga napiling candidates kaya kailangan pong nandoon ako mamaya."



Gusto ko siyang ngitian ngunit masyadong mabigat ang kanyang aura plus nanginginig ang mga labi ko. Dahan-dahan niyang nilapag ang kanyang ruler sa lamesa bago nagcross arms.



"Okay. But please tell me Miss Ortiz." Napakurap ako ng ilang beses ng suotin niya ang eyeglasses niya at itulak ito palapit sa mata niya. "Are you confident that you could win?"



Gusto kong bumuga ng hangin pero baka magmukha naman akong peashooter sa harap ni Sir. Kaya naman pinili ko nalang ngumiti at itago ang kaba ko.



"To tell you the truth, I'm not that confident about winning. My opponent is also fierce and determined about winning for the goal that we've been dreaming to achieve for years. But Sir, I want you to know that I'm confident that I'll be able to show everyone a great performance. Even if I will not be able to win, I'll make sure that they will never forget about it."



"Sir Yolo naman! Pinapahirapan mo ba ang estudyante ko?"



"M-Ms. Olivia!" Parang nagkaroon ako ng malaking pag-asa ng makita ko si Ms. Olivia na papalapit sa pwesto namin habang nakangiti.



"Hindi ko siya pinapahirapan Olivia. I just want to know if it will be worth it to excuse her in my class." Umirap si Sir Yolo bago kinuha ang pamaypay niya at nakataas ang isang kilay akong tinignan.



"Siyempre worth it Sir! Nakikita ko ng sunod na maging cheerleader ang estudyanteng under sayo!" Tinapik ni Ms. Olivia ang balikat ko na nagpakaba sa akin.



Patay talaga. Mas pinapakaba pa ako nila dahil sa expectations nila.



"Di mo na kailangan gumatong Olivia. I've already made up my mind." Nahugot ko ang hininga ko ng makita kong ngumiti si Sir Yolo for the first time sa harap ko. "Ms. Sunshine? Just ask your classmates for the notes that I'll be giving in our time today."



Nanginginig akong ngumiti at tumango.



"Thank you Sir! Thank you Maam! Alis na po ako!"



Tuluyan lang akong nakangiti ng makalabas na ako ng faculty. Habang naglalakad ay patalon talon pa ako dahil sa tuwa. Big Achievement na nginitian ako ni Sir Yolo ngayon! Good mood ata ang bakla. Pero malaki din ang pasalamat ko kay Ms. Olivia dahil baka isa siya sa mga factors kung bakit pumayag si Sir.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now