7

10 5 0
                                    


"Hay ayoko talaga ng uniform! Ang init!"



"Oo nga. Ang sarap nalang maghubad sis!"



Unang araw ngayon ng No Uniform No Entry policy ng ACHS kaya naman lahat kami ay babye na sa civilian clothes pati na rin ang mga transferees. Sabay sabay naming hinawakan ang collar ng damit at pinagpag ito para pumasok ang hangin sa loob ng katawan namin.



Color blue ang pants ng boys at A skirt na hanggang tuhod naman ang para sa girls. Ang puting polo at blouse naman namin ay may nakatahing blue na tela sa dulo ng sleeves, may logo ng ACHS sa upper right, at may necktie na red-white-blue ang stripes. Gusto ko naman yung uniform namin pero labag talaga sa loob naming babae ang magsuot ng skirt at black shoes na 2 inches dahil bukod sa mahirap kumilos ay mainit pa!



"SUNSHINE!"



"O-Oh bakit? May nangyari ba? Ano?"



Natigil ako ng makitang nakapalibot sina Greggy sa akin habang nakapameywang. Pare-parehas na nakakunot ang mga noo nila na para bang kanina pa nila kinukuha ang atensiyon habang ako naman ay tulala sa binabasa kong kahit na anong pagbasa ko ay hindi ko naman maintindihan.



"Nagdadrugs ka ba?"



Napakamot ako ng ulo ko sa sinabi ni Gracie. Narinig ko na rin to kay Tatay at kay Lydia nung mga nakaraang araw ah. Ganun nalang ba talaga ako ka adik tignan sa mga nagdaang araw?



"Sorry ha pero hindi eh." Sinamaan ko sila ng tingin. "Ang sama niyo talaga sa akin."



"Kung hindi ka adik, paano mo nababasa yang libro mo?" Dahil sa sinabi ni Happy, bumalik ang tingin ko sa libro at doon ko lang napansin na nakabaliktad pala ito.



"Ay pota. Kaya naman pala hindi ko maintindihan." Binaliktad ko ito at sinimulan ulit na basahin sa pinakaunang page.



Nandito ang buong klase namin sa library dahil wala naman si Ms. Olivia. Sayang daw ang natitirang oras namin kaya nagdecide si Ouie na magpunta nalang kami dito para magbasa o gumawa ng mga assignments na hindi pa namin nagagawa.



"Hoy Sunshine. Nagawa mo na ba yung essay kay Sir Yolo?" Tanong ni Gracie habang nagsusulat ng kung ano sa notebook niya. Natigilan naman ako at isa-isa silang tinignan.



"May assignment pala!?" Napangiwi ako ng sabay sabay nila akong pukpukin ng notebook nila.



"Gaga! Kumuha ka ng workbook na ganito sa shelf number 20! Bilis!" Sabi ni Greggy kaya naman tumayo kaagad ako sa upuan ko at binalik ang librong binabasa ko sa shelf nito bago hinanap ang shelf number 20.



"Shelf number 20. Shelf number 20. Nasaan ka ba?"



Mabilis akong naglalakad para hanapin ang shelf number 20. Nang makarating na ako dito ay natigilan ako ng makita ang lalaking nakasandal sa shelf at seryosong nagbabasa ng libro.



"Ouie"



Lumingon siya sa akin ngunit nagtagal lang ito ng 2 segundo bago siya bumalik sa pagbabasa. Napayuko nalang ako bago pumunta kung nasaan ang workbook ngunit napangiwi ako ng iisa nalang ito at nasa pinakataas pa ng shelf.



"Uhm Ouie."



"What?" Magkasalubong ang mga kilay niya akong nilingon kaya naman binalik ko ang atensiyon ko sa mga libro at pinaglaruan ito.



"Di ko kasi maabot yung work book natin sa Philosopy eh. Pwede bang-"



Lilingunin ko pa lang sana si Ouie ngunit naramdaman ko na siya sa likod ko. Ang buong akala ko ay kukuhain niya ang workbook na hindi ko maabot at ibibigay sa akin ngunit napasimangot ako ng ilagay niya ito sa mas mataas na pwesto.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now