3

19 6 0
                                    

Kabanata 3: Red Days, New Friend

"A round of applause for your newly elected classroom officers!"



Bago nanamang school year at kahit may pagkabobita ako ay napagkaisahan ako ng lahat na iboto as Vice President. Plano ko sanang sakalin ang bakla na nanguna sa pagkontrata ng votes sa mga kaklase namin pero halos dumilim at umikot na ang mundo ko dahil sa sakit ng puson ko.




Dumating nanaman ang madudugong araw na kinamumuhian ko every month. Alam niyo naman na siguro kung ano yung ibig kong sabihin kaya wala na akong balak na iexpand ang topic na to.



"Hoy. Are you okay, Sunshine?"



Sa kakainda ko ng sakit ng puson, hindi ko na namalayan na nakuha ko na ang atensiyon ni Hanson. Hindi pa kami in good terms pero nakakasurprise na tanungin niya ako.



May pusong mamon din naman pala ang isang to?



"Okay lang ako boi. Wag mo lang pansinin ang pagdadalamhati ko." Pinakita ko naman sa kanya ang usual na okay sign ko bago sinubsob ang mukha ko sa desk.



May mga klase pa kami kaya naman pilit kong pinalakas ang loob ko at winili ang sarili ko sa ibang bagay. Kinuha ko ang notebook at ballpen ko bago pinilit na magsulat ng notes na isinusulat ni Maam ngayon sa board.



Napapakagat ako ng labi ko sa bawat pagkirot na nafifeel ko. Parang gusto ko nalang mamuhay bilang isang babae na nagpatanggal ng matres pero wala akong magagawa.



This is the real life.



Dahil wala ako sa mood, napasampal ako sa noo ko ng iaannounce ni Maam ang magiging project namin na film para sa first semester. By group ang mangyayaring project kaya parang mas binibiyak ang ulo ko sa pag-iisip at paghiling na biyayaan sana ako ng mga kagrupo na parang hulog ng langit.



Napalingon ako kay Hanson na busy sa pagsusulat sa notebook niya. Balita ko talented ang isang to. Marunong daw siyang sumayaw, kumanta at kung sakaling marunong din siya umacting...


Edi wow. Mapapasana all ka nalang!




Mukhang makikita ko na talaga ang pinakapaboritong anak ni Lord kung pati sa pag-acting, biniyayaan siya ng talento.



Ibinigay ni Maam sa P.I.O. namin ang listahan ng mga pangalan na ginrupo niya na in advanxe. In-announce naman kaagad niya ito at nagtipon-tipon naman kaming magkakagrupo.



Nagpasalamat naman ako ng todo-todo kay Lord dahil naging kagrupo ko sina Ouie, Happy, Greggy, Gracie, Bryle at si Hanson. Full package na ang grupo namin pero may pa bonus kaming natanggap na tatlong pasaway sa klase na sila Jethro, John, at Japhet.



"Anong plano ng grupo natin bebe Sunshine?" Pumikit ako para makapagtimpi ng makisiksik si Jethro sa upuan ko na para bang close na close kami.



"May ibang upuan pa Jethro." Palihim naman akong nagpasalamat sa langit ng marinig ko si Ouie. "You're making her uncomfortable."



"AY! Sorry bebe Sunshine!" Alanganin kong nginitian si Jethro na inirapan ngayon si Ouie. "Psh. Sungit mo pa rin Cortaga. Inggit ka siguro no?"



"Shut up Jethro."



Tumawa lang si Jethro bago siya casual na humila ng upuan para makatabi niya ako. Aaminin kong napakasensitive ng pang-amoy ko kaya naman agad akong napangiwi nang maamoy ko ang uniporme niyang amoy usok ng sigarilyo.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now