50

0 0 0
                                    

Kabanata 50: He's Back

Hanson drove me to the station and our trip was very quiet. Ramdam niyang nalungkot nanaman ako after taking a bath. Pati si Nanay ay naramdaman na din yun so she just lay low and kept up with my energy.



Nakahawak lang ako sa kwintas ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Pagkahinto ni Hanson sa harap ng station, nakita ko na ang mga kasama kong pumunta sa Lachlane. Napili kasi ako na maghost para sa isang event kaya naman heto ako ngayon, may libreng bakasyon because of that show.



"Wag ka ng bumaba, Hanson. Ako na ang bahala sa bag ko." I said to him before attempting to open the car's door. " Hoy! Okay na ako dito."



"Bakit ayaw mo akong pababain?" Tumingin siya sa mga kasama ko na nakatingin na sa sasakyan niya ngayon. But because the windows are tinted, hindi nila kami makita. "May kaaway ba ako sa mga yan? Galit sila sa akin?"



"Wala no! Sira." I forced a laugh before grabbing my bag and attempting to open the door again. "Hoy! Buksan mo na nga kasi-HOY HOY! Diba sabi kong wag kang bumaba?!"



Napasampal nalang ako sa noo ko nang makalabas na ng tuluyan si Hanson while grinning like a mad dog. Napabutong hininga nalang din ako bago ako lumabas ng kotse.



I awkwardly smiled at my workmates who shyly waved at me before taking steps closer to Hanson who's currently getting my bag from the back. Palihim ko siyang kinurot na nagpatawa sa kanya at paulit-ulit siyang binulungan na ako nalang ang lalapit sa mga kasamahan ko.



"Wala akong kasalanan sa kanila Sunshine. So just let me help you."



Napabuntong hininga nalang ako bago naglakad palapit sa mga kasama ko na malalaki ang ngiti ngayon. Akala ko babatiin na nila ako pero kanya kanya naman silang tulakan palapit kay Hanson.



"Hi Dr. Miranda! Ang gwapo mo today!"

"Good morning Doc! Pwedeng magpa check up ng heart ko?"

"Hi Dr. Miranda! Sasama ka ba sa amin?"



Napahilamos nalang ako ng palad sa mukha ko before grabbing my luggage from Hanson's hand. This is the reason why I don't want him to go out dahil talagang pinagkakaguluhan siya ng mga kasama ko.



"Hello good morning! I'm sorry but I don't do heart check ups." He chuckled.



Nilibot ko ang paningin ko sa mga makakasama namin and some of them are unfamiliar faces. While scanning each person, nanlaki ang mga mata ko ng makita si Break Carriga who wiggled his eyebrows without any hint of smile on his face.



"Mr. Carriaga! Ikaw ba yan?!" I smiled and waved at him.



"No it's not me. Doppelganger ko lang to." He crossed his arms na nagpangiwi sa akin. "Ikaw? Is that really you?



"Oo naman. May iba pa ba akong kamukha?" I also crossed my arms before looking at him from head to toe. "Kasama ka papuntang Lachlane?"



"Hindi. Mag-aapply lang ako bilang gwardiya dito."



I laughed but my smile suddenly faded nang maalala ko nanaman si Duke. We used to have these kind of moments together: barahan, asaran, hanggang sa magkakatampuhan. Nakakamiss.



Hindi ko mapigilang bumuntong hininga bago tumabi sa kanya at tumingin sa kawalan. I felt Mr. Carriaga's stares at me before he gave my arm a light poke with his finger.



A Little Bit of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon