23

13 1 0
                                    

Kabanata 23: Sixteenth Day of October

Hindi ko na nga talaga napigilan si Hanson na bumili ng cake para sa future-este kay Tatay.




Pinili niya ang isang black forest cake mula sa red ribbon at bumili ng tinutuhog na happy birthday sa ibabaw ito. Pagkataos naman naming bumili ng cake ay may nakita nanamang mapagwawaldasan ng pera si Hanson. Nakita niya ang isang convenience store at inaya nanaman akong bumili ng ice cream para pandagdag sa regalo ni Tatay.



"Hoy! Ano ka ba naman Hanson!" Pinalo ko ang balikat niya. "Wag na! Baka madiabetes niyan si Tatay!"




"It's just for a day. Atsaka ikaw nalang ang kumain if you don't want him to get sick." Napanguso ulit ako at pinabayaan nalang siyang maghanap sa may chiller.



Habang pumipili pa siya ay naglibot muna ako sa convenience store. Hindi lang nga pagkain ang benta nila dito kundi may mga beauty products at accessories din. Bongga!



Habang tumitingin ay nakuha ng atensyon ko ang pinakamagandang headband na nakadisplay ngayon sa store. Color silver siya at may mga naka-attach na fake diamonds na kumikinang kapag natatamaan ng ilaw. Hindi ako fan ng mga accessories pero parang gusto kong bilhin ang headband na to.



"Excuse me, Miss? Magkano po to?"



"Ay! 200 pesos lang yan ate!" Halos matapilok ako sa pwesto ko dahil sa narinig ko. "Murang-mura lang diba?"



Napakurap ako ng ilang beses habang naghahanap ng kung anong senyales na nagbibiro lang siya. Pucha. Ano bang meron sa headband na to?!



"Curious lang ako, Miss. Brilyante ba to ng hangin? May special powers? Bakit ang mahal?" Kuripot na kung kuripot pero binalik ko kaagad ang headband sa lamesa.



"Ay ate ate! Mahal kasi ang original price niyan!" Pilit na binalik nung babae sa kamay ko yung headband. "Hayaan mo at worth it naman ang pagbili mo niyan dahil may additional kang dalawang metal rings!"



Ipinakita niya sa mukha ko ang dalawang metal rings. Eh? Ito lang yung freebie para sa 200 peso worth na headband? Akala ko naman kung anong brilyante ang pasobra.



"Next time nalang siguro miss. Babalikan ko nalang yan."



Hindi na nakaangal ang babae ng sumulpot na si Hanson habang dala dala ang dalawang lalagyanan ng Nestle Temptations. Naghanap na muna ako ng pakete ng Nips mula sa mga estante ngunit napasimangot ako ng wala akong makita ni isa man lang na flavor.



"Hey Sunshine! Tara na!"



"Papunta na!"



Bago ako makalabas ng convenience store ay nakita ko yung babae sa counter na parang nagpipigil ng ngiti o kilig niya. Nagsalubong ang mga kilay ko pero kinawayan niya nalang ako bilang pamamaalam.



"Huy Hanson. Sa tingin mo ba may saltik yung babaeng yun?" Sinilip ko ang mukha ni Hanson at nakita kong tinaasan niya ako ng kilay.



"Huh? I didn't do anything." Nagsalubong ang mga kilay ko habang pinapanood siyang nagmamadaling maglakad papunta sa sasakyan niya.



Teka. Iba naman yung tanong ko ah? Lutang din pala minsan tong si Hanson.


Nang makarating kami sa bahay ay nagulat ako ng makita sina Happy at Greggy sa tapat ng gate. Lumiwanag ang mukha nilang pareho ng makita ang sasakyan ni Hanson kaya naman nagmamadali kaagad akong bumaba para lapitan sila.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now