27

1 0 0
                                    

Kabanata 27: When Her World Crumbles

"HAPPY 18TH BIRTHDAY SUNSHINE!"



Napatakip ako sa bibig ko habang tinitignan yung set-up ngayon ng resort. May malaking tarpaulin na may mukha ko sa gitna, mga dilaw na kurtina, mga lobo at mga bulaklak sa paligid. Isang catering service ang nakahanay sa may gilid kung saan makikita ang sandamakmak na mga pagkain at ang 5-layered cake para sa birthday ko.



Para akong nasa isang panaginip habang nakapalibot sa akin sina Ouie, Poli, ang mama niya at ang pahabol na grupo nila King, Duke, ang kambal, ang iba pa naming mga kaibigan at si Ms. Olivia na kapansin-pansin na ang paglaki ng tiyan ngayon. Isa-isa ko silang tinignan, nginitian at pinasalamatan habang nakatayo pa rin ako sa kasalukuyang pwesto ko.



"Thank you sa inyong lahat!" Nakagat ko ang labi ko ng maramdaman kong nanunubig na ang mga gilid ng mata ko. "A-Akala ko wala ng nakakaalam ng birthday ko maliban kay Ouie. Akala ko talaga, wala ng makakaalala sa akin sa araw na to."



Sabay-sabay silang nagtawanan kaya naman napatawa na rin ako. Mukha na tuloy akong baliw na umiiyak habang tumatawa. Ngunit kaagad ko na ring itinigil ang pag-iyak ko at baka malusaw na ng tuluyan ang make-up na nilagay ni Gracie.



"Wag ka munang umiyak girl dahil marami pa kaming inihandang sorpresa sayo!"



Lumapit sa akin si Greggy na MC mode ngayon habang may hawak na tissue na ipinangpunas niya sa mata ko.



"Good vibes at tawa ka lang ngayon ha? I-enjoy mo ang hinanda namin para sayo!" Tumango ako kay Greggy at niyakap siya bago niya ako halikan sa pisngi.



Pinaupo nila ako sa isang magandang upuan sa harapan nilang lahat habang sila naman ay nagsiupuan na sa mga nakaarrange na metal chairs. Hindi ko pa rin mapigilan ang luha ko pero nang makita ko si Hanson sa isang tabi na sumesenyas sa akin na ngumiti ay napangiti nalang din ako.




Wala sa sariling napahawak nanaman ako sa necklace ko at napangiti. Pagkatapos ng ilang buwan, masasabi kong puno na ang puso ko. At wala na akong mahihiling pa sa napaka espesyal na araw na to.




Sinimulan na ni Greggy ang program sa pamamagitan ng isang prayer. Sinundan ito ng dance presentation nina Happy kasama nina Jethro at Gracie. Pagkatapos ng sayaw ay time naman para sa mga parlor games na nag effort daw talaga ang bakla na ihanda.



Tawa lang ako ng tawa sa Trip to Jerusalem at paper dance pero hindi ko akalaing iiyak nanaman ako sa 18 candles dahil sa mga message nila sa akin. May halo pa rin namang tawanan pero talagang natouch ang puso ko to the point na hindi ko kayang pigilan ang mga luha ko.



"For our last four candles, may we call on our special guests in the heart of Sunshine na fresh na fresh from Alveolar City!" Automatiko akong natigil sa pagpunas ng luha ko para tumingin sa may entrance.



Napangiti ako ng makita kong papasok sa resort ang dalawa sa mga taong naging malapit sa puso ko, ang mga magulang ni Ouie. Unang kumaway sa akin si Tita Lovie matching ang suot na yellow dress sa yellow na floral polo ni Tito Kingston. Para silang artista na loveteam ng mastuck sa kanila ang mata ng lahat ng mga kaibigan namin.



"Happy Birthday Sunshine! You look dazzling today!" Niyakap ako ni Tita bago ako hinalikan sa pisngi.



"Happy Birthday Hija. Dalaga ka na talaga!" Sumunod naman si Tito na gumaya sa ginawa ni Tita.



"Thank you po Tita at Tito!"



Nakangiti akong nakinig sa message nilang dalawa sa akin bago nila ako muling niyakap. Nawala na ang bilang ko sa 18 candles kaya akala ko sila na ang panghuling magbibigay ng message kaya nagrelax na ako. Pero hindi ko inaasahang may papasok pang dalawang tao sa entrance.



A Little Bit of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon