11

13 5 0
                                    

Kabanata 11: The Broken Phone and His Broken Past

Dumating na ako sa bahay at as usual, hindi ko nadatnan si Tatay. Pasalamat nalang din ako kundi tinadtad na ako ng kurot nun ngayon kung anong drama ko at bakit ako nagpaulan.



Nang magbibihis na ako ng damit ay halos maiyak ako ng makita ang laman ng bag ko. Sa lahat ba naman ng nakalimutan kong dala ko ay ang cellphone ko pa talaga ang nadale habang nagpapakasasa ako sa pagligo sa ulan.



"Parang mas mabuti pa siguro kung naholdap nalang ako. Patay talaga ako nito kay Tatay!"



Tinanggal ko kaagad ang battery ko mula sa cellphone at pinaypayan ito. Umasa akong marerevive ko pa siya pero wala, deads na talaga. May tubig pa nga na pumasok talaga sa loob ng screen.




Mabibigat na mga hakbang ang ginawa ko patungong sala kinaumagahan. Nakita ko naman kaagad si Tatay na nagiiscroll sa fb habang umiinom ng kape. Infairness. Techy talaga si Tatay! Pero may kailangan pa pala akong problemahin. Huhu.



"Tay..."



"Oh bakit?" Napalunok ako. Kahit na kabado ay dahan-dahan kong pinakita sa kanya ang cellphone kong nag ala water bender din kahapon.



"Bakit nasira yan?"



"Ganito po kasi yun Tay. May celebration po kami ng mga kaibigan namin kaso biglang umulan ng malakas. Alam niyo namang tanga ang anak niyo, nakalimutan kong magdala ng payong. Lumusong ako sa ulan at parang basang sisiw na umuwi sa bahay natin kaya naman nabasa po ang cellphone ko. Nasira! Sorry!"



May mga kasinungalingan sa sinabi ko pero beri beri layt lang naman. Sana hindi niya mapansin.



Napalunok ako ng magpalipat-lipat ang tingin ni Tatay sa cp ko at sa mukha ko. Tuluyan na siyang tumigil sa mukha ko pagkatapos ng ilang segundo bago tumikhim.




"Ano pa bang magagawa ko? Sira na. Mabubuhay ba yan ng sorry mo?" Napayuko ako dahil sa sinabi niya.



"Sorry po ulit Tay." Bumuntong hininga ako at tatalikod na sana sa kanya ng magsalita pa siya.



"Magkano ba ang cellphone ngayon?" Nanlaki ang mga mata ko at napalapit kaagad kay Tatay habang kumikintab ang mga mata.



"Bibilhan mo ako ng bago, Tay?!"



"Hindi. Ipapaayos mo lang yang luma mo." Bumagsak ang mga balikat ko ngunit binigyan niya ako ng malakas na kurot sa tagiliran.



"Tatay naman eh!"



"Ang bilis mo talagang maniwala! Baka nagpapaloko ka lang sa kung sino-sinong lalaki diyan ha?" Sumimangot ako habang nirorolyo niya na ang dyaryo niya para maitago.



"Cellphone po ang usapan Tay. Pano mo nasingit ang lalaki?"



"Hay nako. Ano nga? Magkano nga ang cellphone ngayon?" Tumingin ako sa kisame at nag-isip.



"May nakita ako na maganda! 1k at touch screen na yun! Hehe. Ayos naman sa tingin ko?"



Pagkatanghali ay umalis si Tatay. Wala akong ideya kung saan siya nagpunta dahil hindi naman siya nagpaalam sa akin. Nanood lang ako ng tv buong maghapon at pagdating niya ay may nilapag siyang mahiwagang paper bag sa harapan ko.



"Ano to, Tay?" Nilapit ko ang mukha ko sa paper bag at maingat na sinuri ito.



"Gamitin mo kaya kamay at mata mo?" Napasimangot ako bago tamad na kinuha ang paperbag. Nagtatanong ako ng maayos pero umaatake nanaman ang pagkapilosopo ng Tatay ko.



A Little Bit of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon